Chapter 27 “Wag ka nalang kaya umuwi, dito ka nalang?” kanina pa s’ya nandito sa kwarto ko. Nangungulit na wag nang sumama kela kuya’t baka hindi na ako bumalik sa kanya. “Nag promise ka na sa kanila. Ang isa sa mga ayaw nila, mga walang isang salita tsaka isang lingo lang naman. May video call naman.” Isang lingo ako kukunin nila kuya. Ewan, alam kong may balak silang gawin pero hahayaan ko pa rin. Nag impake na ako ng mga gamit ko, hindi naman lahat pero ‘yong mga kailangan lang. tsaka kung dito lang ako sa bahay nila, sa pasko ako lang rin ang mag-isa dahil aalis din sila. Isa lang ang alam ko, aalis kami nila kuya na hindi alam ni Daddy. Nang malaman nila ang kasunduan pati na rin ang pag papalayas sa akin ni Daddy ay wala silang reaksyon, alam ko naman na maiintindihan nila ako.

