Chapter 7 "Grabe nakaka-loka ang gagawin mo sis, dalawang tao ang pinoportray! Buti na uto mo 'yong pinsan ko." Sabi ni Cristine. Nandito ako ngayon sa condo n'ya para mag ayos ng sarili at mag patulong na rin sa kanya. Umalis ako sa bahay ng shokoy kong amo at pinaalam na gagala ako, hindi naman s'ya nag reklamo dahil may date sila ng so-we-called "Like" nya. Wala na rin naman s'yang magagawa kahit hindi n'ya ako payagan dahil isa sa naka-sulat sa kasunduan naming na bawal n'ya akong pakealaman sa tuwing may lakad sila ni Andrea. "'yan lang ang na isip kong paraan para hindi n'ya ko pahirapan, and besides na umpisahan na natin ang kalokohan na 'to kaya ituloy na natin." "Kung sabagay, buti nalang pala at na umpisahan 'yon atleast hindi ka na n'ya gaano gagawan ng kalokohan." Sana.

