THIRD PERSON POV Kaswal na ipinarada ni Tristan ang kaniyang kotse sa parking area sa mall kung saan dito nila napag-usapang lahat na magkita-kita rito dahil sa manlilibre ang dalawa. Gustuhin mang tumanggi ni Estella at Tristan ay hindi nila magawa dahil nabihag sila sa pagmamakaawa effect ni Richie. Mas gugustuhin niyang hanapin si Racelle na hindi pa raw umuuwi magmula kagabi, alalang-alala silang dalawa ni Estella. Batid nilang nasaktan ito ng lubusan ngunit magpapakita muna sandali sa kanila upang walang sabihin. Nag-angat ng tingin si Tristan at napansin niya ang babaeng nakatayo sa tapat ng katabi niyang kotse. Pinangkitan niya ito at naalala ang suot ng babaeng pinag-aalala siya ng labis. "Racelle?" kunot-noo at patanong niyang sambit. Agad siyang lumabas sa kotse nito at nila

