Racelle POV Kumatok ako sa pinto pagkarating ko sa bahay na tinutuluyan ni Tristan. Isang beses niya akong dinala rito at ang disenyo ng bahay ng kaniyang kaibigan ay nakakamangha. There's a huge circular skylight sa living room. Magandang matulog do'n lalo na at makikita mo ang langit na punong-puno ng mga bituin. “Tristan?” tawag ko sa pagitan ng aking pagkatok sa pinto. Bakit ang dilim-dilim? Wala ba siya rito? Saan siya nagpunta kung gano'n? Sumilip ako sa bintana at wala akong makitang tao sa loob. “Tristan?” tawag kong muli sabay hawak sa door knob. Walang atubiling pumasok nang mabuksan ko ito, maging ang mga ilaw ay binuksan ngunit nalaglag ang aking panga nang makitang may mga maleta sa sala at ilang bote ng alak. Agad akong nagtungo sa kuwarto niya sa taas, guest room. Malaka

