Racelle POV May bahid na inis akong napapakamot sa ulo. Nauurat nang hanapin ang dalawa. Bakit ba kasi ako humiwalay sa kanila? Pinagtiyagaan ko sanang maging third wheel pansamantala nang hindi kami nagkasalisihan dito, aalis pa man din sila mamaya. I tried to call Estella's phone but out of reached even Justin's phone. Saan kaya napadpad ang dalawa at hindi ko mahagilap ang kanilang anino? Bumuga ako nang hangin at tumalikod sa kinaroroonang bleachers. Sinulyapan ang suot kong relo. Dapit hapon na at halos tatlong minuto akong nagpaikot-ikot sa nakakapanibagong park. Maraming tao, may kaniya-kaniya silang ginagawa. Iba sa kanila ay nagpi-picnic kasama ang kanilang whole family or love ones as a date experience. The fresh atmosphere is good but it’s too cowded to stay. Baka may tumubong

