Racelle's POV
"Okay ka na ba?" tanong niya sa akin pagkababa namin sa jeep. Tumango ako bilang sagot at tahimik na tiningnan ang dinadaanan ko. Gumaan ang aking pakiramdam nang iiyak ko lahat ang sakit na nagpapabigat sa puso ko. He let me cry on his shoulders. Wala akong narinig na reklamo sa kaniya, hindi niya inalintanang naging pamunas ko na siya sa pag-iyak kanina.
Tahimik lang din niya akong sinasabayan habang tinutungo ang kuwarto ni Kitian. Sa bawat hakbang ko ay unti-unti na namang bumibigat ang aking puso. "Sigurado ka bang wala kang gagawin? Baka mamaya mapagalitan ka naman nang Daddy mo niyan," nag-aalalang tugon ko. Umiling lang siya at ikinaway ang palad.
"Huwag mo na akong alalahanin. Sisiw lang sa akin ang mapagalitan, pakinggan mo lang saka ilabas mo sa kabilang tenga kahit nakakainis." nakangising sagot niya sabay taas baba nito ng kilay.
"Pinuntahan mo ba si Estella kanina kaya ka nando'n?" tanong ko kahit halata namang ang kaibigan ko nga ang sadya niya. Mabilis na nag-iba ang ekspresyon ng kaniyang mukha, lumungkot bigla.
"Race, puwede bang huwag mo na lang banggitin ang pangalan niya?" nangunot ang aking noo. Bakit naman? Sumusuko na ba agad siya sa pag-suyo sa kaibigan kong 'yon? "Bakit?"
"Nasasaktan kasi ako sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya. Naalala ko mga pambabalewala niya sa akin dahilan upang mawalan na ako ng pag-asang magkabalikan kami," punong-puno ng lungkot ang boses niya maging ang mga mata niya ay lumungkot.
"Ayaw mo na? Sumusuko ka ng magbaka-sakali?" tanong ko sa kaniya. Tiningnan niya ako nang nakataas ang isa niyang kilay at bahagyang napaawang ang bibig niya.
"Oo, para saan pa ang pagpababaka-sakali ko kung panay ang pagtaboy niya sa akin? Race, hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong magpakatanga at umasang may pag-asa pa kung ang tadhana na mismo ang sumasampal sa 'yo sa katotohanang wala na." mahabang tugon nito sa akin.
"Paano kung kaunting suyo na lang ay bibigay na siya? Paano kung pagsubok lang ito sa 'yo pero susukuan mo na agad? Paano k—"
"Nakakapagod na ang mag-isip na may pag-asa pa. Race, kung para kami sa isa't isa... hayaan na ang tadhanang gumawa ng daan para maging kami ulit. Sa sitwasyon kasi namin ngayon... ay nilalayuan niya ako, kinakalimutan at siguro panahon ko na rin para makalimutan siya." putol niya sa aking sinasabi habang nakakunot lang ang noo kong tiningnan siya sabay balik ng tingin sa dinadaanan.
Bakit ba masyado silang napapaniwala sa tadhana? Iaasa na lang ba ang lahat sa tadhana? "Mahal mo siya 'di ba?" tanong ko.
Mabilis siyang tumango at sumagot nang, "Oo,"
"Ikaw at siya ang gagawa nang tadhana ninyong dalawa. Huwag iasa sa tadhana dahil tayo, tayo ang gumagawa ng ating sariling tadhana. Kung ang kalimutan siya ang pinili mo, wala na akong magagawa dahil choice mo 'yon." sabi ko. Ismid ang ibinigay niya sa akin.
"I'm tired, Race. Hindi ako gaya ni Mike na gagawin ang lahat para mapasakanya ang mahal niya, hanggang salita lang ako. Madali akong sumuko. Nakakapagod kasi." sabay buntong hininga niya. Wala naman na akong naisagot sa kaniya dahil iyon ang desisyon nito. Hindi naman ako ang magmamahal, kun'di siya. Pinili niya ang sumuko kaya ano ang magagawa ko kung ang kaibigan kong si Estella ay sumuko na rin simula pa lang?
Nakakapagod magpakatanga, pero puso mo ay patuloy sa pagtibok at paghahanap ng mamahalin. Tumapat kami sa nakasarang pinto. Alanganin kong itinaas ang kamay ko nang matapos akong magpakawala nang malalim na buntong hininga.
Tiningnan ko si Justin na nakatingin din pala sa akin. "Bakit? Hindi mo ba bubuksan?" nakakunot-noong tanong niya sa akin. Kinakabahan kong pinihit ang door knob at sumilip.
Nagtama ang tingin naming dalawa. Blangko ang kaniyang ekspresyon na agad ding nag-iwas ng tingin. Lumingon ulit ako kay Justin, naghihintay siyang pumasok ako nang makapasok din siya.
Ayaw kong makita niya kung paano ako hindi maalala ni Kitian. Ayaw ko, nahihiya ako kung paano niya ako kilalanin. "May problema ba?" umiling ako bilang sagot at tuluyang pumasok sa loob.
Tahimik akong lumapit sa kinaroroonan niya sabay lapag sa upuan ang bitbit kong portfolio. "Kumusta ka na, bro.?" masiglang tanong niya kay Kitian.
Napalingon ako sa kanilang dalawa. Kunot na kunot ang noo ni Kitian habang nakatingin kay Justin sabay lipat niya ng tingin sa akin. Imbes na sagutin ang tanong ni Justin ay iba ang lumabas sa kaniyang bibig. "Girlfriend mo?" tanong nito sabay turo sa akin.
Napatingin sa akin si Justin, mahina siyang tumawa saka tumanggi. "Hindi, siya si Racelle, kaibigan natin..." tumaas ang isang kilay nitong nakatingin sa akin. "...hindi mo na ba naalala? Siya si Racelle, ang mahal mo, Kitian?" pagpapatuloy ni Justin sa nalilitong si Kitian.
"Please recognize me." bulong ko sa aking isipan. Umaasa ako ngayon sa katahimikan na baka inaalala lang niya subalit bigo ako. "Racelle? Mahal ko? Niloloko mo lang yata ako. Paano ko siya magiging mahal, eh, hindi ko naman siya kilala,"
Kinagat ko ang labi ko sabay iwas ng tingin sa kaniya. Sabi ko na nga ba, hindi niya talaga ako kilala. Hindi na. Nabura na sa kaniyang alaala. Iniligpit ko na lamang ang kalat na nasa mesa para doon ibaling ang atensyon ko kaysa dibdibin ang sinabi niya.
"Hindi mo na ba talaga siya naalala, bro.?"
"Hindi. We're not even friends but she is always here." kumirot ang puso ko sa naging sagot niya. 'We're not even friends', what a word came from him. It sucks.
"Hindi mo ba namumukhaan man lang kahit wala kang naalalang memories niyo? I know your heart remember her, so why don't y—"
"Justin, tama na." putol ko sa kaniyang sinasabi dahil ang bigat na. Bumigat ulit ang puso kong gumaan kanina.
"Huwag mo ng subukang ipaalala sa kaniya, ang sakit na kasi. Sa bawat pagpapaalala mo sa kaniya kung sino ako, ang siyang pagsabi ng 'hindi ko siya kilala'." mapait kong tugon sa kaniya sabay kagat sa aking ibabang labi.
"What's wrong in saying I don't know you? I am just telling the truth." singit niya. Nalilito ang kaniyang ekspresyon nang sulyapan ko siya.
"Kitian, kilala mo siya. Ayan ang itatak mo sa isip mo dahil iyon ang totoo." giit ni Justin. Isinuklay ko ang daliri ko sa aking buhok. Kahit ipaalala pa niya sa kaniya kung sino ako, makakalimutan din niya ako.
"It takes time for his condition to remember. Huwag mo ng ipilit, baka mas lalong hindi lang niya ako maalala." sabat ko saka suminghap.
"Ipilit mo nang maalala ka niya, hindi 'yong maghihintay ka ng araw na maalala ka niya." muli akong napasinghap sa sinabi ni Justin. Tumingin ako sa kaniya at inilingan ito.
"Sino ba talaga siya para kailangan ko pang maalala?" nagtakakang tanong niya kay Justin. He look like a innocent ice king in front of me for being clueless. His expression slowly killing me.
Akmang magsasalita si Justin nang sumabat ako. "Just don't mind him." saka ko pinandilatan ng mata si Justin.
"Why? Parang may dapat akong maalala na hindi ko matandaan. Spill, I will listen." pang-uudyok niya. Kahit makikinig ka naman, hindi mo pa rin ako maalala.
"Justin?" tawag niya dahil walang umimik sa amin sapagkat nagtitinginan lang kaming dalawa. Mahirap umpisahan kung paano ko ipapaalala sa kaniya na ako ito, ako 'yong babaeng hiniling niyang makalimutan niya pero heto... pinili ko siya.
"She became your ex-girlfriend back then," panimula ni Justin.
"You are my ex-girlfriend?" kunot-noong tanong nito sa akin nang humarap. Marahan akong tumango.
"Why did we break up?"
"Nang dahil kay Yvonne at Lolo mo. Your grandfather pushed you to marry Yvonne for business purposes. Wala kang nagawa kun'di ang maging engage kayo ni Yvonne," sabi ko. Tumango-tango siya at suminghap. Tinitigan ko siya at akala ko ay malinaw na pero napasandal siya sabay hawak sa ulo niya.
"I can't remember anything. Sabi ni Lolo, hindi raw kami nag-engage ni Yvonne. We're just friends at sa tingin ko hindi totoo 'yang sinasabi mo." tugon niya. Sabay kaming napabuntong hininga ni Justin.
"Ano ba sinabi ng Lolo mo, bro.?" baka may sinabi na namang iba ang Lolo niya patungkol sa akin. Ayaw niya sa akin at ako pa ang sinisisi nito kung bakit nangyari ito sa apo niya.
Siguro tama nga rin ang Lolo niya na kasalanan ko. Kung kinausap ko siguro siya ng maayos no'ng araw na 'yon, hindi siya maaaksidente. Hindi mangyayari ito. Maybe this is my karma.
Umawang ang aking bibig kasabay nito ang pagtahimik ng paligid nang marinig ko mula sa bibig niya. "He said, you are my maid."
'You are my maid'. Hindi na nga nito ako nakikilala, naging maid pa ako sa paningin niya. Agad kong kinuha ang inilapag kong portfolio at nagpaalam kay Justin. "Justin, ikaw muna bahala dito. Wala ka namang gagawin 'di ba?" aangal pa sana siya nang lumabas kaagad ako.
Masyado ng masakit kung mananatili pa ako sa loob. Napapagod na ang tenga ko sa sinasabi niyang hindi niya ako kilala. Isang buwan na siyang ganiyan, pero hindi ko pa rin lubos maisip na sa isang iglap nawala ako sa isip niya.
--
"Racelle," katok ni Mama sa labas ng aking pinto. Tamad akong tumayo mula sa pagkakahiga sa kama habang nakatingin sa kisame upang buksan ang pinto.
"Ma, bakit?" tanong ko pagkasilip ko sa pinto. Tiningnan niya ako. "Hindi ka ba kakain?"
Umiling ako sabay ngiti. "Ma, kakain ako kapag gutom ako." malamig kong tugon sabay sarado ng pinto.
'Sorry Ma, I just need space.' bumalik ako sa kama at muling nagmuni-muni.
Sa pagmumini ko'y muli kong naalala ang pagsusumbatan namin ni Mama. I know it's my fault for being idiot, but what can I do if I choose him over Tristan?
Ayaw niya pa rin kay Kitian at kung hindi matatanggap ni Mama na si Kitian ang pinili ko, sorry, I can't talk to her. I know mother's knows best, pero ako ang magmamahal. Bumuntong hininga ako at tumagilid.
My life has changed after what happened. Para bang biglang nagkasunod-sunod ang pagiging malas ko sa buhay. Sinampal ko ang pisngi ko't pumikit. 'Let me sleep with peace.'
Naalimpungatan ako nang mag-ring bigla ang phone ko. Irita kong kinapa ang nasa uluhan ko para kunin ang maingay kong cellphone.
"Hello?" bungad ko pagkasagot ko sa tumatawag. Humikab ako sabay bangon sa pagkakahiga. Napapakamot pa ako sa ulo sa inis. Sino ba itong panira ng tulog na tumawag sa akin?
"Hello?" wika ko sa napakatahimik na background sa kabilang linya. ("Race, morning! I need to leave, kailangan ko ng umuwi baka mas lalo akong putakan ng tandang kong Daddy.")
"Okay, papunta na rin ako diyan." sagot ko kahit ang totoo ay kakagising ko lang. ("Hintayin na lang kita,")
Hinimas ko ang aking tiyan nang maramdaman kong naglalaro na ang mga alaga ko. "Kumusta ba siya?" lutang kong tanong sa kabilang linya.
("Masarap ang tulog niya habang masakit ang likod ko sa pagiging security guard ng ugok na 'to.") reklamo niya sa kabilang linya na aking tinawanan nang mahina.
"Wala naman kasi akong sinabing matulog ka diyan, ang sabi ko, ikaw na muna bahala."
("Aish! Pumunta ka na lang kaya dito? Inaantok pa ako.") pagmamadali niya sa akin.
"Sandali, kakagising ko lang. Hindi pa ako nakakaligo at nakakapag-almus—"
("Problema mo na 'yan. Dalian mo na, dadaan pa ako sa Fatima y Dora University.") humagikgik ako sa naging sagot niya sa akin. Akala ko ba...
"Akala ko ba ayaw mo na? Suko ka na? Kakalimutan mo na siya?" mapang-asar kong tanong dahil iyon ang sinabi niya kahapon.
("It's not Estella, si Melissa ang pupuntahan ko do'n.") tumawa ako sa kabilang linya na aking sinabayan ng pag-iling.
"Sus! Deny ka pa. Si Estella ang kikitain mo, eh," pang-aasar ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, na-imagine ko rin bigla na nagkakamot ito sa ulo sa inis.
("Race, bilisan mo na lang. Huwag ka ng maligo, marurumihan ka rin naman. Baka mamaya paggising niya, maalala ka na niya.") wika nito at ibinaba na ang tawag. Natahimik ako sa bandang huling sinabi niya.
'Sana nga.'
Punong-puno ako ng pag-asang lumabas ng bahay. Hindi ko pa nga nagawang mag-almusal dahil sa pagmamadali kong baka maalala na nga niya ako. Panay ang pag-vibrate ng aking cellphone pero binabalewala ko ang texts nila Claire at Jerome sa akin.
Pinara ko ang tricycle na nakita ko. Hindi na ako makapaghintay ng jeep. Dali-dali akong nagtipa ng text ko para kay Justin.
To: Justin
Gising na ba siya?
From: Justin
He's still sleeping.
"Manong, dito na lang po." kalabit ko sa braso ni manong nang itabi niya ang minamaneho niyang tricycle sa gilid.
Lakad at takbo ang ginawa ko pagkapasok sa loob ng hospital. Excited akong paggising niya ay babanggitin na niya ang pangalan ko kasama ang madalas niyang itinatawag sa akin noong kami pa. "Racelle, baby girl."
Pagbukas ko ng pinto ay naabutan kong naka-dekuwatrong nakaupo si Justin habang tawa-tawang nakatingin sa kaniyang cellphone.
"Puwede ka ng umalis nang makita mo na 'yang nagmamay-ari ng tinatawanan mong baby picture," saad ko.
"Hindi naman siya, baby picture ko 'yon." sagot niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Wow! May pa-hair clip pa siyang nalalaman. "Talaga? Bakla ka pala." nakangisi kong sagot sa kaniya kahit na si Estella naman talaga ang nasa baby picture na 'yon.
"Hindi ako bakla," depensa niya. Nagkibit-balikat na lamang ako. "Oo na, hindi na," natatawa kong sagot sa kaniya. Lakas niya maka-deny, halata namang hindi pa niya makalimutan kaibigan ko.
Napangiwi ako nang marinig niya ang pagkalam ng sikmura ko. "Hindi ka pa yata nag-aalmusal. Tara, mag-almusal na muna tayo habang tulog pa ang yelo," pag-aaya niya.
"Hindi na. Makita ko lang siya, busog na ako." banat ko na tinawanan lang ako nito.
"Siya, uumalis ka na nang makita mo siya." pagpapaalis ko sa kaniya. Sinamaan niya ang ng tingin. "Hindi nga siya, si Melissa. May sasabihin daw siya sa akin." inis niyang sagot na napakamot pa sa ulo.
"Oo na, oo na," sagot ko sabay lingon kay Kitian na mahimbing pa ring natutulog kahit medyo maingay kaming dalawa ni Justin.
Tumunog ang cellphone niya. Pasimple naman akong sumilip at nakita kong ang Daddy niya ang tumatawag. Ibinulsa na lamang niya ang cellphone na hindi sinaasagot ang tawag.
Iritado ang kaniyang ekspresyon nang mag-angat siya ng tingin sa akin. "Kailangan ko ng umalis." paalam niya saka ito lumabas nang nagmamadali.
Bumuntong hininga ako bago lingunin ang mahimbing na natutulog na si Kitian. "Sana habang natutulog ka, nakikita mo ako sa iyong panaginip." bulong ko habang tinititigan siya.
Nagdadalawang-isip kong ilapat ang palad ko sa pisngi niya. Hindi ko pa nailalapat ang palad ko ay bumalikwas siya sa pagkakahiga sabay mulat ng bahagya, pero agad ding pumikit.
"Sleep well," mahina kong bulong. "Matulog ka lang para pagmulat mo... kilala mo na ako." nakangiti kong saad.
Pinanood ko ang kaniyang pagtulog hanggang sa magmulat siya ng kaniyang mga mata. Salubong ang kilay niya habang gumuhit naman ang maliit na ngiti sa labi ko.
Bumibilis ang kabog ng aking puso. 'Diyos ko, naaalala na niya kaya ako?'
Ang kumakalam kong sikmura ay tila nakikipagsabayan sa bilis ng pintig ng puso ko.
Unti-unting nawala ang pagkunot ng noo niya, napalitan ito ng alanganing ngiti. Damn. I miss your smile.
Nagniningning ang mga mata kong tinitigan siya. Handang-handa na ang aking tenga sa bibigkasin niyang pangalan ko. Puso ko ay bumibilis, hindi mapakali sa kabang nararamdaman.
Subalit ang pagiging kampante at punong-puno ng pag-asang mukha ko ay tila ba pinukpok ang ulo ko nang dalawang salita ang lumabas sa kaniyang bibig. Mga katagang madalas niyang binibitawan.
"Sino ka?"