Racelle POV "Oh, bakit ka nandito kaagad? Akala ko sa Biyernes ka pa makakauwi dahil doon ka muna ng dalawang araw." gulat na bungad sa akin ni Estella pagkauwi ko kaagad sa bahay nila. Ilang oras akong lulan ng bus pauwi rito, paano ba naman sa traffic lang yata ang may forever dhail halos araw-araw traffic. Mabuti na lang at umusad ang bus kaya matiwasay akong nakauwi kahit na parang pagod na pagod ako. Pilit na iniiwas ang mukha nang silipin ito at titigan ako nito. Inilabas ang shades na inihanda ko kanina sa pinakaharap ng aking bag saka isinuot ito. "Na-bore ako ro'n." bigla niyang inalis ang shades na suot ko dahilan upang pumikit ako. Iintriga ulit ang isang ito kapag nakita niya ang mga mata kong mugtong-mugto, kakagaling sa pag-iyak. "Teka hindi kayo nag-usap?" hindi ko inim

