CHAPTER 3:TOWARDS HIS FEELINGS

2785 Words
SHY’S POV KASALUKUYAN kaming bumabyahe pauwi nang magplano ang dalawa na mag-sleep over raw sila sa bahay. Total daw ay wala naman akong kasama kasi wala si Nanay ay sila na lamang daw ang sasama sa ‘kin. Para ‘di daw ako malungkot matulog. At para may makasama rin daw ako mamaya. Mukhang nagkaroon pa ako nang utang na loob sa kanilang dalawa. Tinagilid ko ang ulo at tinuon ang atensyon sa bawat madadaanan namin. Papadilim na at maraming mga tao sa daan. Ang mga sasakyan naman ay walang humpay na nagsitakbohan. May paroon at parito. May hihinto at may sasakay. Gano’n ang routin ng bawat dumadaang mga sasakyan. Dahil sa dami ng tao ay alam nilang makakakuha sila ng pasahero. Buong byahe ay sa daan ko lang binuhos ang oras. Sa bawat madadaanan ng taxing sinasakyan ay napapaisip ako. Pa’no kung wala si Nanay na sumusuporta sa ‘kin. Anong mangyayari sa ‘kin? Makakapag-aral pa ba ako? Makatapos kaya ako sa kursong kinuha ko? Mga katanungang tumatakbo sa isip ko. Sa sobrang hirap ng buhay ngayon, mukhang malabo na makapag-aral at makatapos ako. At ‘di ko rin kakayanin na may mawala pa na isang buhay sa mga taong pinakamamahal ko. Kinuha ko sa bag ang cellphone at nag-text kay Nanay. Sinabi kong pauwi na ako at kasama ko ang dalawa. Sina Jezrah at Daphne. “Magandang gabi po, Nay. Pauwi na po ako at kasama ko po ngayon sila Jezrah at Daphne, po. Sa bahay raw po sila matutulog ngayong gabi.” After I send a message to Nanay. I used my time to go to my chattbox, if I had a message for my classmates while waiting Nanay’s reply. I opened my mobile data and used to it. Binuksan ko ang chattbox at bumungad sa ‘kin ang sandamakmak na mensahe. May mga chatt ako galing sa mga classmates, teacher and also sa mga nag-request message sa ‘kin na ‘di ko mga kilala. Meron din si Jazz at tita Anabelle. Binasa ko lang ang mga importante at ang iba ay ‘di ko pinagtuonan ng pansin. Binasa ko ang message ni tita. Sinabi niya kung kasama ko daw ba si Jezrah. At kung kasama ko raw ang anak niya ay pauwin ko na daw ito. Hindi ko alam kong nagkausap na silang mag-ina, dahil wala namang may nabangit sa ‘kin si Jezrah. Limang oras na kasi ang nakalipas nang mabasa ko ang mensahe ni tita. May pa sleep over sleep over pa silang nalalaman. E, pinapauwi naman pala siya ng mama niya. Okay lang kung si Daph, kasi wala naman ang parents niya rito. Kaya hindi siya hahanapin o papauwin. Pero itong impakta na ‘to, andito ang mga magulang niya sa syudad. At mukhang babalik na naman siya sa pagiging NPA niya. Napapailing na lang ako sa babaing ‘to. Kahit kailan talaga! Binalingan ko silang dalawa sa gilid ko. At baka nalagutan na nang hininga. Kaya pala sobrang tahimik, natutulog pala ang dalawang chanak. Magaling! Kala niyo gigisingin ko kayo mamaya. Bahala kayo diyan! Nagreply ako ng mensahe kay tita. “Good evening po, tita. Opo kasama ko po si Jezrah. Sa bahay raw po siya matutulog. Kasama po namin ang Daphne, tita,”pagkatapos kong mag-send ay nakita kong may nagpop-up na isa pang-message. Pagtingin ko ay reply ni Nanay ang bumungad sa ‘kin. “Sige, nak. Mag-ingat kayo pauwi. Magluto na lang kayo pagdating niyo para makakain kayo.” “Okay po, ‘nay. Malapit na rin po kami sa bahay.” Nakita kong papasok na ang taxi sa kanto. Kaya ginising ko na ang dalawa at inayos ang sarili. Kumuha ako ng pera sa wallet at inabot sa driver bilang pambayad. Pagkahinto ng taxi ay bumaba agad kami. Maraming tao sa labas. Kung kaya ay nakakahiyang dumaan. Mismong sa gitna kasi kami nila dadaan, kung saan maraming taong nagkukumpulan. Hindi naman bago sa ‘kin ang mga taong tumatambay pag-ganitong oras. Lumalabas sila ‘pag-dapit hapon na o ‘di kaya gabi. Dahil kung umaga ay sobrang init. Mas pipiliin nilang magkulong sa mga lungga nila kaysa ang lumabas na masakit ang sikat ng araw. Nagtuloy-tuloy na kami sa paglalakad ng mahinto ang mga taong tumatambay sa pag-uusap nang makita kami. May nagpapalitan ng tingin at ‘yong iba naman ay nagsingisihan at sikohan. “Good evening, sainyo mga binibini.” Bati no’ng naka-red na lalaki. May mangilan-ngilan akong kilala sa kanila at ‘yong iba naman ay mukhang dayo pa. I don’t wan’t to be rude, kaya tumango na lang ako bilang tugon. At gano’n din ang ginawa ng dalawa. Nang makadaan ay narinig ko pa ang bulungan nila. “Ang ganda talaga ni Shy, no? Kaso ‘di na pweding diskartihan ‘yan, bantay sirado na kay Jazz, ‘yan…” sabi no’ng isang lalaki na katabi no’ng naka-red na bumati sa‘min kanina. “Sinong Jazz, pre?” Tanong naman no’ng isang kasama nila. “Taga-rito ‘yon sila dati. Lumipat na nang bahay kasi maganda na ang trabaho ni kuya Jazz. Kapatid niya ‘yong kasama ni Shy, kanina ‘yong sa kanan sa dulo.” Sagot naman no’ng katabi ng naka-red. Familiar siya sa ‘kin kaso ‘di ko kilala pangalan niya. Nagkibit-balikat na lang ako. Nang makalagpas ay ‘di ko na narinig ang pinag-uusapan nila. Deri-derotso lang ang lakad namin hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay. Kinuha ko sa bag ang mga susi at binuksan ang gate at pinapasok ang dalawa. Sumunod naman sila sa ‘kin hanggang sa pinto ng bahay. Nang mabuksan ko rin ang pinto ay pinauna ko silang pumasok sa loob dahil isasara ko pa ang gate. Mahirap na. ‘Yon kasi ang bilin ni Nanay sa ‘kin. ‘Wag ko raw kalimutan isara lagi ang mga pintoan at bintana ‘pag walang tao o kahit nasa loob ako. Dahil mag-isa lang akong nakatira rito at walang kasama. Mababait naman ang mga taong nakatira rito. Lahat naman sila ay kilala si Nanay at Tatay. Kahit nga sila Tita Anabelle at Tito Jezrell. Malaki ang respito ng mga taga-rito sa ‘min. Dahil dito kami lumaki at nagkaisip. Kaya halos lahat ng mga tao rito ay kilala kami. PAGPASOK sa loob ay nilapag ko sa maliit naming sofa ang bag. At dumeritso sa kusina para kumuha ng tubig. Si Jezrah ay nakita kong nag-charge ng cellphone at si Daphne naman ay nakahiga sa mahaba naming upoan na kawayan. Malambot naman ang upoan at hindi masakit higaan. Kasi nilagyan ko ng comporter para kumportabling upoan at higaan. Kumuha ako ng baso sa estante at binuksan ang ref. Kinuha ko ang pitchel na may lamang malamig na tubig. At dinala ko ito sa sala para painumin rin ang dalawa. Sobrang init kasi kanina sa labas kaya nakakauhaw at masarap uminom ng malamig. Pagkalapag ko ng baso at pitchel ay sinabihan ko ang dalawa na uminom kung gusto nila. Sinalinan ko ang sariling baso at ininom ang laman nito. Nang dumaloy ang malamig na likido sa lalamunan kong nanunuyot dahil sa pagkauhaw ay naginhawaan ako. “Kung nagugutom kayo, magsabi lang kayo para makapagluto ako.” Sabi ko sa kanilang dalawa. Tumango naman sila at kaniya-kaniya nang hawak sa mga cellphone nila. Nagtungo ako sa kwarto at kinuha ang tuwalya. Kumuha muna ako ng pamalit at lumabas na para makapaglinis. Narinig ko pa ang hagikhikan nang dalawa bago ako pumunta sa banyo. Nang maisara ko ang pinto ay nagsimula na akong maghubad ng damit at nagbasa ng katawan. Naligo na ako dahil naiinitan ako nang sobra. Nang dumaloy ang malamig na tubig sa katawan ko ay sobra-sobra akong naginhawaan. Nagsimula na akong magsabon at shampoo. ‘Pagkatapos ay naglagay pa ako ng keratin sa buhok para kahit papa‘no ay ‘di dry at makunat ang buhok ko. Inaalagaan kasi ni Nanay ang buhok ko simula pagkabata. Dahil makapal at malago ito na namana ko sa kaniya. Ang sabi niya ay maganda raw ang buhok ko at sobrang itim kaya alagaan ko raw ito nang mabuti dahil isa raw ito sa mga natatangi kong ganda. Maliban sa makapal na kilay at may hugis puso na labi, matangos na ilong at tangkad na namana ko kay Tatay. Ay ang pinakanagustohan nila sa ‘kin ay ang mata ko at kulay na mapuputi kong balat na kutis porselana. Malambot kasi ang balat ko at inaalagan ko rin ito. Hindi ako nagpapabaya sa mga skin care ko simula pagkadalaga. Kahit no’ng bata pa lamang ako ay alagang-alaga na ako ng mga gamit pangbaby ng mga magulang ko. Istrikto kasi si Tatay pagdating sa ‘kin. Ayaw na ayaw niyang hinahawakan ako at pinipisil ng mga tao, kasi namumula agad ang balat ko. Ultimo lagam o lamok ayaw niyang dumadapo sa ‘kin. May dugong espanyol kasi ang Tatay ko, kaya siguro namana ko halos lahat ng mga katangian sa kaniya. May pagka-oa lang ang Tatay ko pero iniingatan niya lamang ako. Dahil nag-iisa akong anak nila Nanay. Kaya no’ng lumaki na ako ay doumoble ang pagka-istrikto niya sa ‘kin. Pati sa mga lalaking nagpapalipad hangin. Nang matapos ay minadali ko na ang pagpunas at pagbihis. Nirolyo ko ang tuwalya sa ulo ko para hindi dumaloy ang tubig galing sa buhok ko. Agad na akong lumabas para ang dalawa naman ang paglinisin ko ng katawan. May mga naiwang damit naman sila rito. Kaya hindi na nila kailangang humiram pa ng damit sa ‘kin. Naabotan ko ang dalawa na pinagkasya ang mga sarili sa mahabang upoan. Hindi pa nila ako napansin dahil busy pa rin sila hanggang ngayon sa kanilang mga cellphone. “Maligo na kayo,” sabi ko sa kanila. NAG-ANGAT naman sila ng tingin sa ‘kin bago bumangon. Pumasok na ako sa kwarto at ginawa ang usually routine ko tuwing umaga at gabi. Pagkatapos ay kinuha ko sa bag ang cellphone para e-charge. Nang matapos ay umupo ako sa kama at sinandal ang likod sa headboard ng kama, habang pinapahanginan ang buhok ko ay kinuha ko ang isa sa mga paborito kong libro kapag na boboard ako. Mahilig kasi akong magbasa ng fiction books. Minsan pa nga ay nagkokolek ako ng mga libro at dinidisplay rito sa kwarto ko. Parang hindi buo ang araw ko kapag ‘di ko sila nakikita o nababasa. Nakakatuwa lang kasing magbasa ng mga possessive series lalo pa’t limited edition ang mga ito. Nakakakilig kasi ang mga character ng story. Nakakainspire sila basahan…parang gusto kong mapabilang sa kanila. ‘Yong nakahanap sila ng mga hot at mayayamang daddy…sh*t! Ang gugwapo at maraming pang-abs. Tapos may steamy sence pa silang nakakaweyt! Gosh…hindi ko naman na experience ang nararamdaman ng mga babaing bida, pero ‘pagbinabasa ko ang eksina nila na nagtutukaan at nagbabayohan ay nag-iinit ang pisngi ko. Mabuti na lang hindi ko binabasa ang mga libro ko sa eskwela o sa harap ng mga kaibigan ko. Dahil alam kong tutuksuhin at aasarin lang nila ako. Napalingon ako ng marinig ko ang pagbukas ng pintoan at pumasok ang dalawa na nakabihis na. Lumapit sila sa gawi ko. Kasya naman kaming tatlo na matulog sa kama ko, dahil medyu malaki naman ito. At ilang beses na rin kaming magkakatabi na matulog tuwing nandito silang dalawa. “Anong binabasa mo?” Tanong ni Jezrah sa ‘kin. Tumabi siya sa ‘kin at nakibasa. Gano’n din ang ginawa ni Daphne. Nakasilip din para makibasa sa hawak kong libro. Pero dahil ayaw kong malaman nila kung ano ang binabasa ko ay tiniklop ko na. Mahirap na! ‘Di pa naman mapagkakatiwalaan mga bunganga nito. “Ayy…ano ba ‘yan. Bakit mo sinirad? Wala pa nga akong may nabasa, bakit tiniklop mo agad?” Taas kilay na reklamo ni Jezrah. “Mukhang alam ko na kung ano ang binabasa niya,” nakahagikhik naman na sabi ni Daphne. Pinagmulatan ko siya ng mata. Pero tinawanan lang ako ng bruha. Inirapan ko sila, bago ko pinatay ang ilaw. Binuksan ko ang lampshade sa gilid para may kunting liwanag pa rin dito sa kwarto. “Matulog na tayo,” ani ko. Hindi na sila umimik pa at nagsi-ayos na nang higa. Napagitnaan namin ni Daphne si Jezrah. Hati na kaming tatlo sa kumot dahil kasya naman tatlong tao nito. Pahiga na sana ako ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Dinampot ko ito at tinignan kung sino ang tumawag. Nakita kong si Jazz ang tumatawag. Hmm…bakit kaya tumatawag na naman ang isang ‘to? Nakailang ring muna bago ko sinagot ang tawag niya. “Hello!” Pagkasagot ko ng tawag. Bumuntong hininga muna ito sa kabilang linya bago ako sinagot. “Matutulog ka na ba?” Tanong niya. Napa-poker face ako. Bakit parang malungkot ang boses nito? May nangyari ba sa kaniya? “Sana. Okay ka lang ba? May nangyari ba?” Nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Binalingan ko ang dalawa sa tabi. Alam kong nakikinig lang sila, dahil ‘di pa naman kami tulog nang tumawag si Jazz. Nakita kong busy si Jezrah sa cellphone at si Daphne naman ay nagtulogtulogan habang nakataas ang braso sa noo. Alam kong nagkukunwari lang siyang tulog. Pero ang tenga nakikinig sa pinag-uusapan namin. Naku! Style nito bulok. Ayaw pa kasing umamin… Narinig kong tumikhim muna si Jazz sa kabilang linya bago ako sinagot. “Okay, lang ako Shy. Na miss lang kita.” Nagulat ako sa sinabi niya. Magkasama naman kami kanina. Bakit miss agad? E, ilang oras pa lang naman ang nakalipas bago kami naghiwalay. “J-Jazz…” “I know, I know. But I’m still hoping, that you can consider my feelings towards you, Shy. Just always remember that I’am always here for you, no matter what.” Ako naman ngayon ang napabuntong-hininga sa sinabi niya. Mabait si Jazz. At alam kong malinis ang intensyon niya sa ‘kin. Pero kahit anong piga ko sa sarili ay tanging kaibigan lang ang maibibigay ko sa kaniya. At wala akong may nararamdamang kahit anong espisyal para sa kaniya. Alam kong masakit. Dahil ‘yon ang totoo. Sana balang araw maiintindihan niya ako. Kung bakit ‘di ko maibigay ang gusto niya. Ayaw kong pagsisisihan namin ito sa bandang huli. At sana balang araw ay siya pa rin ang Jazz na kilala ko. Na niniwala akong magbabago pa ang nararamdaman niya para sa ‘kin. “Thank you, Jazz. But you don’t have to do that. I know you’re kind and capable, but I don’t wan’t to take advantage all the things that you give.” Malumanay kong sagot sa kaniya. Sobrang bait ni Jazz. Siya ‘yong taong kaya kang panindigan at pahalagahan. Kaya kang alagaan sa kahit na anong paraan. Kaya niyang ibigay lahat sayo mapasaya ka lang. Pero hindi ko kayang pilitin ang sarili ko, kung ‘di naman siya ang taong pinapangarap ko. Na niniwala akong darating ang tamang panahon na may isang babae ang magpapasaya sa kaniya at mahalin siya nang higit pa sa pagmamahal na binibigay niya. “If it’s the only to have you. So be it.” Ramdam ko ang pait sa boses niya. Kahit sinong tao ay malulungkot kong ‘di mo kayang ibigay sa tao ang ninanais niya. “Jazz, hindi mo kailangan gawin ‘yan! Alam mong kung ano lang ang kaya kong ibigay sa ‘yo--” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang pinutol niya ito. “I know. Why you can’t give me a chance? I’m willing to surrender myself to you, Shy. To have you in life is one of my dream that I’m capable of. Believe me. Just give me a chance.” Pagsusumamo niya. “B…bakit ako? Hindi dapat ako ang sinasabihan mo nang ganyan, Jazz!” Hindi ko na napigilan ang magtaas nang boses. Gusto kong umiyak ngunit pinipigilan ko dahil kasama ko ang dalawa. At alam kong nakikinig lang sila sa usapan namin no’ng isa. Ramdam ko ang sakit sa bawat salita niya. Hindi dapat ako ang sinasabihan niya nang ganyan. At kung meron man. ‘Yon…‘yong taong kayang suklian ang pagmamahal na binibigay niya. At hindi ako ‘yon! Masakit sa ‘kin na may kaibigan kang…kayang ibigay ang lahat sa ‘yo, mapasaya ka lang. At handang isuko ang sarili para sa pagmamahal. At walang iba kundi si Jazz ‘yon! Ayaw kong pagsisihan namin ito sa bandang huli. Ayaw ko siyang saktan. Ayaw ko rin siyang bigyan nang dahilan na kung bakit ‘di ko siya kayang bigyan nang pagkakataon na papasukin siya sa buhay ko. Dahil wala akong may nararamdaman para sa kaniya. And I don’t want to give him an assurance to pursue his feelings towards from me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD