GEORGE Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ko sa katawan ni Archie. Senyales iyon na nakapag-isip na ako kung kanino ako sasama. Nagpasya ako na sa kan'ya ako sasama dahil hindi lang sa gusto niya ako protektahan, kun'di dahil nirerespeto ko ang kagustuhan ng mga kapatid ko. Ayaw kong sirain ang tiwala ng binibigay nila sa akin at kay Syke. Aabutin ko na sana ang kamay niya ng biglang pinatakbo ni Archie ang motor. Muli akong napakapit rito. Dinig ko pa ang tawag ni Syke sa akin. "Archie, ano ka ba? Masyado kang mabilis magpatakbo. Bagalan mo naman!" sita ko rito. "Exciting nga ito, George. Gawain natin ito dati, hindi ba?" sagot naman nito. Nakaramdam ako ng inis sa kaibigan. Akala ko ba pinoprotektahan ako nito? Bakit parang wala na itong pakialam ngayon na kahit kasama ako a

