SYKE
Araw ng biyernes, alas-singko ng hapon ay pauwi na ako sa aking condo galing sa aking opisina. Rush hour na kaya medyo traffic na sa Edsa.
Kung kailan malapit na ako sa aking condo ay saka naman ako nasiraan ng sasakyan. Mabuti na lamang at may malapit na Auto Repair Shop kung saan ako nasiraan.
Bumaba ako ng sasakyan para puntahan ang shop. Muntik na akong mapatalon sa gulat ng may isang motorsiklo ang mabilis na dumaan sa tabi ko.
“What the hell? Pag-aari ba niya ang kalsada?” inis na tanong ko sa sarili.
Tinungo ko na ang shop. Napansin ko na narito rin ang motorsiklo na dumaan sa tabi ko kanina. Kung sino man ang may-ari niyon ay tiyak na hindi siya magtatagal sa mundo dahil sa mabilis siya magpatakbo.
“Boss, what can I do for you?” tanong sa akin ng mekaniko.
Gusto ko matawa sa bungad nito sa akin. I’m a half Filipino-American. Pero hindi ko pinangalandakan na may lahi ako. Kaya kahit kinakausap ako ng hindi nakakakilala sa akin ng ingles ay kinakausap ko sila ng tagalog. Ayoko na iparamdam sa iba na naiiba ako sa kanila. I am proud to be a Filipino.
“Yung sasakyan ko kasi tumirik sa daan. May panghila ba kayo para dito na lang ayusin?” paliwanag ko.
Tila naman hindi makapaniwala ang kausap ko dahil nagsasalita ako ng tagalog. Wala naman bago doon. Naso-sorpresa talaga ang mga nakakausap ko lalo na kung hindi ako kilala ng mga ito.
“Walang problema boss,” saad nito.
Mabilis naman nadala nito at ng kasama nito ang sasakyan ko sa shop. Naupo muna ako sa bakanteng upuan habang hinihintay na magawa at matapos ang sasakyan ko.
“Kuya, alam mo naman na hindi ako pwede. Gusto mo ba mapagalitan tayo ni Papa?” narinig kong tinig ng isang babae.
“Ano ka ba naman? Sandali lang naman. Saka papayag iyon si Papa dahil liga iyon sa ating lugar,” sabi naman ng isang lalaki.
“Boss, mukhang kailangan mo ng palitan ang baterya mo,” baling sa akin ng nag-aayos ng aking sasakyan ko.
Tumayo ako para tingnan 'yon. Sinipat ko ang loob ng makina. Sa pagkakaalam ko noong isang taon ko pa iyon binilhan ng baterya.
“Sige, may binebenta ba kayo na baterya dito?” tanong ko.
“Meron boss, pero sigurado ba kayo na dito kayo bibili ng baterya? Mukhang mamahalin itong sasakyan ninyo,” sabi nito. Ngumiti lamang ako saka tumango.
“Kuya Giro, ayoko nga, pagtatawanan lang ako doon. Iba na lang pwede? H'wag na ako.”
Muli kong narinig ang boses ng babae. Sumulyap ako sa pinanggalingan ng boses.
“Sige na George, pagbigyan mo na kami. Gil, kumbinsihin mo nga itong si George,” tukoy nito sa kausap ko.
“Kahit kausapin ako ni Kuya Gil hindi ako papayag. Maghanap kayo ng iba!” saka ito humarap sa gawi namin.
Tila nagulat ito ng makita ako. She’s familiar, parang nakita ko na siya. Hindi ko lang matandaan kung saan.
“Kuya, aalis na ako,” paalam nito. Nagmamadali itong sumakay ng motorbike. So, siya pala iyong siga sa daan kanina.
“George, sandali. Kakarating mo lang,” pigil sa kanya ng kausap nito kanina. Hindi na ito nag-abala pa na sulyapan ang kausap dahil pinaharurot na nito ang motorsiklo.
“Pambihira talagang babae 'yon. Umalis agad,” reklamo ng kausap nito.
"Hayaan mo na kuya, magbabago din ang isip nun," sagot ng kausap ko. "Oo nga pala, bibili ng baterya si bossing."
Binalingan ako ng lalaking kakalabas lang ng pintuan. Marahil opisina nila iyon.
Lumapit siya sa aking sasakyan. Tiningnan niya iyon saka tumingin sa akin.
"Replacement for a battery boss?" tanong nito. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagsiko ng katabi nito.
"Nagtatagalog s'ya kuya," gagad nito.
Napakamot naman ito sa ulo. Pumasok ito sa loob at nang lumabas ay may dala ng baterya ng sasakyan. Naikabit naman agad nila iyon.
Habang lulan ako ng aking sasakyan pauwi ng condo ay pilit ko ina-apuhap sa aking isipan kung saan ko nga ba nakita ang babaeng iyon. Nakita ko na siya kung saan hindi ko lang matandaan.
Nasa condo unit na ako ng tumawag isa sa mga kaibigan ko.
"Yes, Dude?"
"Where are you?" tanong ni Zick sa akin.
"At my place, why?" sagot ko.
"Haru is going back. Did you find her?"
I heaved out a deep sigh. Saan ba lupalop ng lugar nandoon ang mga nawawala nitong mga lovebirds? Ilang taon na yata kami naghahanap ay wala pa din kaming ideya kung nasaan ang mga ito.
"Not yet," tipid kong sagot.
"How about Drixx?" tukoy nito sa isa pa naming kaibigan.
"He's not calling. I guess, there is no good news, Dude." Matamlay kong tugon.
Nawawalan na din ako ng pag-asa na hanapin sila. Si Haru at Zick, almost ten years ng naghahanap. While Drixx is six years. Hindi ko maintindihan sa mga kaibigan ko kung bakit nag-ta-tyaga silang hanapin ang mga iyon. Sabagay, hindi ko sila masisisi dahil ang mga ito ang nagpabago sa mga kaibigan ko.
Sino nga ba ang malapit na kaibigan ni Lui?
Nang bigla akong may naalala. f**k! Bakit nga ba hindi ko siya nakilala? That's why she's familiar to me.
"Dude, I call you back," paalam ko kay Zick.
Mabilis akong lumabas ng aking unit at muling umalis ng condo. Bumalik ako sa talyer at tinanong ko ang pakay.
"Bakit mo hinahanap ang kapatid namin? Kilala mo ba siya? May atraso ba siya sayo?" sunod-sunod na tanong ng nagpakilalang si Giro.
"Actually, itatanong ko sana sa kan'ya si Lui. Kilala n'yo ba s'ya?" tanong ko sa kanila. Nagbabakasakali na alam nila kung nasaan si Lui.
Nagkatinginan si Giro at ang kapatid nitong si Gil. Pagkatapos ay muli akong sinulyapan.
"Si Luisee ba ang tinutukoy mo?" naninigurado nitong tanong.
Nabuhayan ako ng loob. Kilala nila si Lui. Baka alam din nila kung nasaan si Lui. Mukhang may maganda akong balita kay Haru pagbalik niya ng pilipinas.
"Pasensya na boss, walang nabanggit si George sa amin kung nasaan si Lui, " sabi ni Gil.
Nadismaya ako sa sagot nito. Mukhang wala akong makukuha sagot sa kanila kaya nagpaalam na ako.
"Kung gusto mo malaman, kay George mo na lang itanong. Sa pagkakaalam ko nagkakausap sila ng kaibigan niya," maagap na sabi ni Giro ng paalis na ako.
"Nasaan si George?" tanong ko.
Kaagad nilang sinabi kung nasaan si George. Pinuntahan ko ang lugar kung saan ako tinuro ni Giro.
Kapag ganitong hapon daw ay madalas ito sa manila bay. Doon ito nagpapalipas ng oras. Wala daw itong ibang pinupuntahan maliban sa puntod ng ina nila na dinadalaw nito tuwing linggo.
Nag-park muna ako ng maayos bago ako bumaba ng sasakyan. Hinanap ko siya sa paligid. May nakita akong isang pamilyar na suot. Iyon ang suot nito kanina.
Lumapit ako sa kan'ya. Hindi ko muna pina-halata ang aking presensya. Umupo ako hindi kalayuan sa kan'ya dahil parang malalim ang iniisip niya.
"Where is she?" tanong ko sa kan'ya na ikinalingon nito.
Nanlaki ang mata nito ng makita ako. Sigurado ako na kilala niya ako base na din sa naging reaksyon niya kanina at ngayon.
"Sino?" patay malisya nitong tanong.
"C'mon, alam mo kung sino tinutukoy ko," sambit ko.
"Wala kang makukuhang sagot sa akin," gagad nito.
Tumayo ito at tinungo ang naka-park nitong motor. Mabilis akong lumapit sa kan'ya. Hinawakan ko ang braso nito at pinaharap ko siya sa akin ngunit hindi ko inaasahan ang sunod nitong ginawa. Sinikmuraan niya ako.
Sapo ang aking t'yan ay napaatras ako sa kan'ya. Nawala sa isip ko na tomboy pala itong kaibigan ni Lui.
Pasakay na ito ng hawakan ko itong muli sa braso. Uundayan pa sana nito ako ng suntok ngunit nagawa ko na iyong iwasan.
Mabilis kong nahawakan ang dalawa nitong kamay at nilagay iyon sa likod nito. Nilapit ko ang katawan ko sa kan'ya. Babae pa din ito kaya wala itong lakas para kumawala sa akin.
"Kapag hindi mo sinabi sa akin, I will make your life miserable," pagbabanta ko sa kan'ya.
Ngumisi ito pagkatapos ko iyon sabihin. Kumunot ang aking noo. She has a beautiful smile. Mapula din ang labi nito. Pero lalaki ito, mas lalaki pa sa akin.
"Go! Gawin mo ang lahat, pero kahit maging miserable pa ang buhay ko ay wala kang mapapala sa akin. Tahimik na ang buhay ni Lui. H'wag n'yo ng guluhin!" matapang nitong turan.
I smiled at her. Sa kan'ya na din mismo nanggaling. I will give her the life that she wants.
Nilapit ko ang mukha ko sa kan'ya. Titingnan ko kung hanggang saan ito tatagal. Nagsalubong ang kilay nito. Umatras ang ulo nito habang papalapit naman ang mukha ko sa kan'ya.
"A-anong gagawin mo?" she asked.
"I will kiss you, baka sakaling sabihin mo sa akin kung nasaan si Lui." Pagkatapos ko iyon sabihin ay nanlaki ang mata nito at nagpupumiglas ito. Pero dahil mas malakas ako ay hindi na nito nagawa nanagawa na kumawala sa pagkakahawak ko.
"H-hindi mo gagawin 'yan Syke," sambit niya.
Natigilan ako ng sinabi nito ang pangalan ko. Kailan ko nga ba huling narinig mula sa kan'ya iyon. Almost ten years na din. f**k! Nawala ako sa konsentrasyon.
"Kahit tomboy ka, magagawa kitang halikan George," muling sumilay ang ngisi sa labi ko.
"Putcha! Isa sa ayaw ko marinig sa'yo ay ang tawagin akong tomboy!"
Nagulat ako ng kumawala siya sa pagkakahawak ko. Mabilis niyang tinuhod ang harapan ko dahilan para mapadaing ako sa sakit. Hindi ko na siya nagawa ng hawakan. Mabilis itong sumakay sa motor na may ngisi sa labi.
"f**k! I swear, pagsisihan mo ito. Hindi kita titigilan!" Sigaw ko sa kan'ya.
"Eh, di hindi din kita titigilan na tuhurin," sabay tumawa ng malakas na animo'y nagtagumpay sa pakikipaglaban.
Dammit! Hindi ako makapaniwala na naisahan niya ako. Dahil marami na nakakapansin at pinagtatawanan na ako ay mabilis ko tinungo ang aking sasakyan sapo ang aking harapan.
Nang makapasok sa sasakyan ay hinagod ko ang aking alaga. Hindi ito pwede mawala dahil kargada ko ito.
"Hindi ko ito mapapalampas. Pagsisisihan mo George na pati alaga ko dinamay mo." Isang pilyong ngiti ang sumilay sa aking labi kasabay niyon ang plano na naglaro sa aking utak.
"Sounds interesting, wait for me George. When I said I will make your life miserable, then I will do it."