SYKE Nakakailang buntong hininga na ako. Kanina ko pa sinisipat ang aking pambisig na relo. It was ten in the evening and she was thirty minutes late. Nine thirty ang usapan pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Darating pa ba siya? "f**k," mahina kong usal. "Mukhang naisahan niya ako, ah. Damn it." Napapalatak ako. Bakit ba ako naniwala sa kan'ya na pupunta siya? Tuso nga pala ang babaeng iyon. Kaya siguro hindi nagpasundo sa 'kin dahil may balak itong hindi sumipot. Tinungga ko ang laman ng shot glass at muling sinulyapan ang cellphone sa ibabaw ng counter bar. "Hey, bro! I thought you had a date. Where is she?" tanong ni Troy. Isa sa mga lagi kong kasama kapag nagda-drag racing. "She's on her way, bro," sabi ko na lamang kahit hindi ako sigurado kung pupunta ba talaga siya

