GEORGE Parang wala na ako sa aking sarili habang naglalakad sa loob ng mall. Tulala akong naglalakad at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Maya maya lang ay bahagya akong napakapit sa isang malaking poste ng mall. Nanghihina ang buo kong katawan at nanginginig ang aking mga tuhod. Tila sa pagkakalapat ng palad ko sa malamig na poste na lamang ako kumukuha ng lakas. Kanina ko pa pinipigilan ang luhang gustong kumawala sa mata ko. Ang lalamunan ko na tila hindi ko na kayang lumunok dahil sa may kung ano'ng bumara. Parang sasabog ang puso ko sa nalaman ko. Hindi pa nag-si-sink in sa utak ko ang sinabi ni Tita Sherly. "B-bakit? B-bakit kami pa?" wala sa sariling usal ko. Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ni Tita Sherly ay binigyan niya ako ng payo. Isang payo par

