GEORGE Hindi ako umalis sa tabi ni Syke hanggang hind pa ito nagigising. Kahit gutom na ako ay hindi ako umalis sa tabi nito. Gusto ko kapag nagising ito ay nasa tabi ako nito. Hindi rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ng ina nito. Hindi ko maintindihan. Saka lang sumagi sa isip ko ang mga sinabi ng mga kuya ko. Hindi kaya may alam ang mga ito na alam rin ni Tita Sherly? Hindi kaya iisa lang ang mga dahilan nila kaya kakaiba ang mga naging reaksyon ng mga ito? Kung ano man ito ay dapat kong malaman. Kung hindi ko man makuha ang sagot sa mga kuya ko, si papa ang tatanungin ko dahil tiyak na may alam rin ito sa pamilya ni Syke. Bahagyang kumilos si Syke. Maya-maya lang ay nagmulat na ito ng mata. Napangiti ito ng makita ako. "Nasa langit na ba ako?" nakangiting sabi nito. Sumimango

