GEORGE
Nakaupo lamang ako sa sofa habang hinihintay na lumabas ng kwarto niya si Syke. Hindi ko naman napigilan ang ngumisi ng sumagi sa isip ko ang nangyari kanina. Kulang na lang ay mamilipit ito sa sakit dahil sa pagkakadagan ko sa bola nito.
Hindi ko naman sinasadya iyon. Pasensya s'ya kung natamaan ko ang bola niya. Hindi kasi siya nag-iingat.
Tumayo ako at pinasadahan ng tingin ang loob ng unit nito. Maganda ang pagkakayari sa loob. Mukha nga na mayaman ang nakatira dito.
Tinungo ko ang kusina nito. Kapagkuwa'y dumapo ang tingin ko sa refrigerator nito. Pati ref nito ay mamahalin dahil 2 doors iyon at ang tatak ay talagang branded at kilala.
Lumapit ako sa refrigerator at binuksan iyon. Namangha ako dahil marami itong laman. Bigla tuloy akong natakam ng makita ko na may slice cake na mukhang hindi pa bawas. Kukunin ko na sana iyon ng may humawak sa braso ko at nilayo ako sa ref saka iyon sinara. Humarang pa ang damuho na animo'y may pinoprotektahan.
"What do you think you're doing?" taas kilay na tanong nito.
"Mukha namang hindi ka mahilig sa cake, akin na lang. Natakam kasi ako," nakangiti kong sambit.
"Pagkatapos ng ginawa mo sa 'kin? No way." Saad nito dahilan para simangutan ko ito.
"Ang damot mo. Kaunti lang naman, eh," pagmamaktol ko.
Sumilay ang ngisi sa labi nito. "Madali naman akong kausap, George. Alam mo na siguro kung ano ang gusto ko," sabi nito na pinaalala sa 'kin ang pakay nito sa akin.
Sandali akong nag-isip. Kapagkuwa'y, seryosong binalingan ang nakangising si Syke.
"Okay," tugon ko. Nagsalubong naman ang kilay nito sa naging sagot ko.
"Okay? Sasabihin mo na kung nasaan si Lui?" kinukumpirmang sambit nito.
Ako naman ang ngumisi rito. "Sige, magpapagutom na lang ako," sambit ko sabay tawa. Napapailing na lang ito sa naging sagot ko.
"Simulan mo na?" sabi nito na ikinatigil ko. Ano'ng ibig nitong sabihin na simulan ko na?
"Ano 'yon?"
"Ang sabi ko, simulan mo ng maglinis," sabi nito na abot tenga ang ngisi.
Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi nito. Nagbibiro ba ang hinayupak na 'to? Ako, maglilinis?
Tumawa ako saka naglakad patungong sala at printeng naupo sa sofa. Sumunod naman ito sa akin. Nakahalukipkip itong tumayo sa harap ko.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Ang sabi ko, maglinis ka na," ulit nito sa sinabi kanina.
"Hindi mo ako utusan, Syke Perkins. Kung gusto mong palinisan ang condo mo, magpalinis ka, huwag sa 'kin." sabi ko at matapang na sinalubong ang mga tingin nito.
"Fine. Mamili ka na lang, maglilinis ka o, dito ka na lang matutulog?" nakangisi nitong wika.
"Okay lang, mukha namang masarap matulog dito. May aircon, eh." Sagot ko saka nahiga sa sofa.
"Really? Gusto mo lang yata tumabi sa 'kin."
"Why not? Pareho naman tayong lalaki." Nakangiti kong sagot saka pumikit. Hinintay ko itong magsalita. Ilang segundo na ang nakalipas ay wala akong narinig na salita mula rito.
Hanggang sa naramdaman ko na lang na tila may mainit na hangin ang bumubuga sa aking mukha. Nagmulat ako ng mata at hindi agad ako nakahuma ng mukha ni Syke ang nabungaran ko.
"Ikaw lang yata ang lalaki na may dibdib," nakangising turan nito.
Tumaas ang isang kilay ko. Awtomatikong gumalaw ang isang kamay ko at hinawakan ang damit nito dahilan para mas lalong magkalapit ang aming mga mukha.
"Ibig sabihin, babae ako," seryosong sagot ko.
"Really? So, kapag hinalikan kita ngayon, magpapaka-babae ka na, gano'n ba?" makahulugang sabi nito saka pilyong ngumiti.
Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi nito. Para akong nanghina na agad kong binitawan ang damit nito na hawak ko. Ang mga mata nito na titig na titig sa akin. Matapang ko namang sinasalubong ang mga titig nito na animo'y nanunuot sa buo kong kalamnan.
Bumaba ang tingin nito sa labi ko. Tinikom ko naman ang bibig ko dahil bahagya pa itong nakaawang.
"C'mon, George. Just tell me if you want me to kiss you, hindi ako magdadalawang isip na halikan ka." Seryoso ng wika nito saka ako sinulyapan.
Ilang segundo akong nakipagtitigan rito. Tila wala sa aming dalawa ang gustong sumuko. Hanggang sa gumalaw ang kamay ko at nilagay sa dibdib nito.
"Maglilinis na ako," bagkus ay sagot ko saka tinulak palayo sa akin ang katawan nito.
Umalis ako sa sofa saka naglakad palayo rito. Saka ko lang napagtanto kung gaano kabilis ang t***k ng puso ko. Ilang beses akong nagpakawala ng hangin para lamang pakalmahin ang sarili. Winaksi ko pa ang mga braso ko dahil tila nanginginig iyon. Hindi lang ang mga braso ko, maging ang buong kalamnan ko.
"Saan ba nakalagay ang panglinis mo rito?" tanong ko ng makabawi ng lakas. Mabuti na lamang at naging maayos naman ang pagbitaw ko ng salita.
Nilagpasan ako nito at saka tinungo nito ang kusina. Pagbalik nito ay may bitbit na itong push broom at dust pan. Salubong ang kilay na inabot nito sa akin ang dala.
"Kwarto ko muna ang unahin mo. Gusto ko na magpahinga." Maawtoridad na utos nito.
"Hind ka ba pwedeng magpahinga habang naglilinis ako?" nakasimangot kong sagot.
"Ayaw ko ng maingay. Sige na, umpisahan mo na. Pagkatapos mo sa kwarto ko, itong labas naman ang linisin mo." Seryosong sabi nito saka pasalampak na naupo sa sofa.
"Makapag-utos ka akala mo ay katulong ako rito. Pasahurin mo ako kapag natapos na ako maglinis dito sa unit mo, ha." Reklamo ko saka ito tinalikuran. Ngunit ng may naalala ako ay muli akong lumingon. Nahuli ko itong nakatingin sa akin.
"May sasabihin ka?"
"Pwede na ba akong kumain ng cake pagkatapos ko maglinis?" parang bata na tanong ko.
Umiling-iling ito saka tumango. Ngumiti lamang ako rito at tinalikuran na ito. Pagpasok ko ng kwarto nito ay unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. Natampal ko ang aking noo dahil napasubo ako. Never akong naglinis sa bahay dahil ayaw ng mga kapatid ko. Pero, dito, sa kwarto ni Syke, hindi ako makapaniwala na ganito ang lilinisin ko rito.
Pumasok na ako ng tuluyan sa kwarto at sinara ang pinto. Pinasadahan kong muli ang kama nito na puno ng mga damit nito na nakakalat. Pati sa sahig ay nakakalat ang mga shorts at brief's nito.
Ang mga kasama ko sa bahay ay puro lalaki pero hindi ganito kakalat ang kwarto. Mas malinis pa nga ang kwarto ng mga kapatid kong lalaki kaysa sa 'kin.
Napapailing na lamang ako habang pinupulot ko isa-isa ang mga shorts nito sa sahig at nilagay sa kama saka ako nagsimulang maglinis ng sahig. Hindi ako sigurado kung tama ang ginagawa ko pero kapag wala kasi ang mga kuya ko sa bahay at nagkataon na mag-isa lang ako dahil araw ng day off ko ay pahapyaw akong naglilinis.
Hindi ko rin kasi sinanay ang sarili ko na umasa na lang sa mga kuya ko. Darating din kasi ang panahon na tatayo ako sa sarili kong mga paa at bubukod sa kanila.
Nang matapos ko nang walisin ang sahig ay saka ko naalala na baka may vaccume ito. Gusto ko sana itanong pero nagbago ang isip ko. Sa tingin ko naman ay hindi nito sasabihin sa 'kin na mayroon ito sa unit nito dahil gusto ako nitong pahirapan.
Tinabi ko ang dust pan at push broom saka naupo sa kama nito para simulan ng tupiin ang mga nakakalat na damit. Wala akong ideya kung malinis ba ito o marumi. Tutupiin ko na lang ito lahat. Bahala na siya ang maghiwalay ng marumi at malinis.
Isa-isa kong tinupi ang mga damit at shorts nito. Hinuli ko na lang tupiin ang brief nito na branded pa ang tatak. Hanggang sa isa na lang ang natirang brief nito sa kama. Umiral na naman ang kapilyahan ko kaya kinuha ko ang brief nito at tinapat sa mukha mo. Pinakatitigan ko iyon saka dahan-dahang nilapit sa mukha ko. Gusto ko amuyin kung may maamoy ba ako o sadyang pinanganak talaga itong mabango.
Halos mapunit ang labi ko dahil sa pagkakatitig ko sa kulay abo nitong brief. Hindi pa nga malapit sa ilong ko ay amoy ko na kung gaano iyon kabango. Sa tanang buhay ko ay ngayon pa lang ako aamoy ng brief at sa tinaguriang playboy pa.
Ngunit hindi ko pa man ito nakakalapit sa ilong ko ay bumukas ang pinto ng kwarto.
"Ano'ng gus-" bungad nito ngunit naputol ang sasabihin ng makita ang ginagawa ko. Salubong ang kilay na humakbang ito palapit sa akin. "Ayaw mong halikan kita, pero ang brief ko ang inaamoy mo. Kakaiba ka talaga, George." Nakangising dugtong nito.
Binato ko rito ang brief nito na tumama naman sa mukha nito saka pasalampak na nahiga.
"Tapos na ako, pwede ko na ba kainin 'yong cake?" bagkus ay sabi ko saka pumikit.
"Kunin mo na lang sa ref. Bukas mo na lang linisin 'yong sala. Alam ko naman na pagod ka dahil galing ka pa ng trabaho. Baka isipin mo na masama akong tao." Paliwanag nito.
"Buti naman may konsensya ka," sagot ko na nanatiling nakapikit. Hindi ko na narinig na nagsalita ito. Narinig ko na lang na bumukas ang pinto at muling sinara.
Tumagilid ako ng higa. Kinapa ko ang isang unan. Nang makapa ko iyon ay dinala ko iyon sa pagitan ng hita ko. Nasanay kasi akong may sinasandalan kapag natutulog. Nakaramdam na rin kasi ako ng antok kaya hindi ko napigilan ang sarili na matulog. Napakalambot kasi ng kama nito, tila nang-i-engganyong masarap matulog sa kama nito.
Napangiti ako saka marahang hinimas ang malambot na unan. Pati unan nito ay mabango. Kumapit na yata ang amoy ni Syke sa kama at unan nito.
Syke's POV
Hindi ko napigilan ang sarili na ngumiti habang nakapamulsang nakasandal sa hamba ng pintuan. Tila welcome na welcome ang sarili niya dito sa unit ko lalo na sa kwarto ko.
Hindi namam kasi ako lumabas. Binuksan ko lang pintuan at sinara kong muli. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na siya nagmulat ng mata.
Pinasadahan ko siya ng tingin. Mukhang nakatulog na nga siya dahil na rin sa marahang pagtaas baba ng dibdib niya. Lumapit ako at kumuha ng kumot sa closet. Dinaganan kasi nito ang kumot na nasa kama. Pagbalik ko ay binalot ko sa katawan nito iyon at nilakasan ng bahagya ang aircon. Muli ko itong sinulyapan ng kunin nito ang dulo ng kumot at parang nilalamig na nilagay hanggang leeg nito.
"Thank you," nakangiting sabi nito.
Natigilan ako. The only thing I knew, I was staring at her innocent face. Yes, innocent while sleeping pero kapag gising, parang amasona. Mas gusto ko na lang yata na tulog siya kaysa ang gising.
Lumapit pa ako para titigan ang mukha niya. She has a beautiful eyes. Kung hindi ko lang siya kilala, kung sino ang madapuan ng mapungay niyang mata, I'm sure, maaakit sa kan'ya.
Hindi ko napigilan ang sarili na umupo sa tabi nito. Muli kong pinasadahan ng tingin ang mukha nito. Bumagay rin ang kilay nito sa mata nito. Tomboy ang babaeng ito pero ang kilay nito, animo'y sinadyang kinortehan. Kahit hindi na nga maglagay ng kung ano ito sa kilay dahil katamtaman ang kapal niyon.
Dumapo ang tingin ko sa ilong nito. What a nose. Bakit parang napakaperpekto ng mukha nito. Katamtaman ang tangos na may maliit lang na nunal sa tungki ng ilong nito na hindi ganoon kita ngunit bumagay naman. Hanggang sa bumaba ang tingin ko sa bahagyang nakaawang nitong bibig. Mukha ngang tulog na tulog na ito dahil hindi na maiwasan na umawang ang labi nito.
Hinawi ko ang takas nitong buhok sa mukha nito. Then I started to watch her beautiful face for almost a minute hanggang sa tumagal ang mata ko sa labi nito. Katamtaman lamang ang nipis at kapal. Natural lamang ang pula nito. Hindi pa yata napapasadahan ng lipstick ang labi nito. Wala ngang make up ang mukha nito katulad ng nakikita ko sa nakaka-date kong mga babae.
George's face was different. Natural ang ganda nito kahit hindi ayusan. Nagtataka ako kung bakit ganito ito umasta. Nakakapanghinayang lang ang ganda niya kung mapupunta lang siya sa kapwa niya babae.
Kumibot ang labi nito. Bahagya itong gumalaw ngunit nanatili sa pwesto nito. Kapagkuwa'y tumihaya ito. Hindi kaya iniisip nito na nasa bahay nila ito natutulog kaya ganito na lang kakomportable ito matulog sa kama ko? Baka nga pag-gising nito ay magulat pa ito dahil nasa ibang kwarto ito. Marahil ay pagod ito kaya nakatulog na lang ito ng basta kahit wala ito sa bahay nito. Nakonsensya tuloy ako dahil pinaglinis ko pa ito. Kapag nalaman ng mga kuya nito na inaalila ko ang kapatid nila, baka sugurin nila akong apat at bugbugin.
Ilang araw ko pa lang sila nakakasama ay alam ko na kung gaano nila pinoprotektahan si George. Palibhasa ay nag-iisang babae. Kung babae nga ba talaga ang amasonang ito.
Gumalaw ang kamay nito at napunta sa ibabaw ng kamay ko. Hindi ko napigilan ang sarili na hawakan ang mala-kandila nitong daliri. Marahan kong pinisil-pisil ang malambot nitong palad. Kalauna'y pinagtapat ko ang palad ko sa palad nito. Mas malaki pa rin pala ang kamay ko. Napangiti ako. Nabaliw na yata ako dahil gustong-gusto kong nilalaro ang tulog na si George.
Muli kong tinitigan ang mga palad namin hanggang sa namalayan ko na lang na pinagsalikop ko ang mga iyon. What a perfect pair of hands. Akalian mo nga naman, nakahanap ng kapareha ang kamay ko.
Never in my whole life, simula ng makipaglaro ako sa mga babae, hinding-hindi ako nagpapahawak sa kamay. Pero sa tomboy na ito? What the heck?
Narinig kong may impit na ungol ang kumawala rito. Mula sa kamay na magkasalikop ay awtomatikong gumawi ang tingin ko sa mukha niya. Lumapit pa ako ngunit natuon naman ang atensyon ko sa labi niya. Palagi na lang ganito ang nagyayari sa 'kin. Napupunta parati ang mga mata ko sa labi nito. May kung anong masamang hangin kasi ang nag-uudyok sa 'kin na gawin ko ang bagay na dapat ay hindi ko gawin.
Katulad na lang kanina. Hindi ko napigilan ang sarili na lumapit rito. Gusto ko nga subukan pero nag-alangan ako. Isa pa, tila nadismaya na naman ako na ayaw nga nitong magpahalik. Sigurado rin kasi ako na kapag ginawa ko iyon, kamao nito ang tutugon sa akin. Isa pa, lalaki ang babaeng ito.
"Shit." Mahina ngunit may diin na sambit ko.
Mabilis pa sa alas kwatro na kinalas ko ang kamay namin na magkasalikop at tumayo sa kama.
"What am I thinking?" usal ko kasabay ng pagsabunot sa buhok at ilang beses na pagpilig ng ulo dahil sa mga iniisip ko.
Pinasya kong lumabas na ng kwarto at tinungo ang kusina saka uminom ng tubig. Inisang lagok ko ang laman ng bottled water. Para kasi akong natuyuan ng lalamunan.
"Lalaki si George, Syke. Lalaki." Kumbinsi ko sa sarili.