ANO nga ba sa tingin niya ang tama at Mali? Kailangan ba niyang magpadala sa bugso ng kanyang damdamin? O kalimutan na lang ang lahat, gaya ng plano niya? Pero bakit ganun? Nangingibabaw ang pagmamahal niya para kay Von Rix. She could see herself in the same situation again, people would often tease them. Dahil sa mga tag photos na palagi silang magkasama. She always sees him everywhere. Tipong ang tadhana na ang nanggagago sa kanya. Gusto na niyang umiwas pero heto ang tadhana ayaw makisama. Pati na rin ang lecheng puso niya ayaw makisala. She could hear her heart beat going wild everytime she sees him. He is always being nice to her, natatakot naman siya na bigyan ito ng kulay baka sa huli siya rin lang ang uuwing luhaan. Maybe he wants to take care of her, he is infatuated with the ide

