"AKO ang maghahatid sa 'yo pauwi. Binilin ka sa 'kin ni Mama at ni Ishie." Pinal na saad ni Von Rix. She rolled her eyes in annoyance, "I can handle myself." "Hindi ko sinabing hindi mo kaya. What I am implying is that sa 'kin ka binilin kaya makinig ka sa akin." "Hindi mo 'ko kailangan ihatid, I can commute naman." She insisted. Matalim siyang tinignan ng binata ngunit hindi siya nagpatinag. Anong akala nito masisindak siya nito? No way! Unfortunately, nagkaisa ang lahat na pasabayin siya sa binata. They are setting them up, hindi niya gets kung bakit hindi maintindihan ng binata na pinagkaisahan sila. Silang dalawa na lang ang naiwan at umalis na ang mga kasamahan nila. Inaantok na rin siya, she is too tired to go home. Maybe she'll sleep in a hotel or something. Hindi niya rin dal

