Chapter 2 -Eoghantot-

2159 Words
❀⊱Melanie's POV⊰❀ Mahigit isang linggo na kami dito sa Davao Del Sur. Nakabalik na kami ni Agatha, at dito kami ngayon naninirahan sa lolo at lola niya. Kilalang-kilala ang lolo niya sa lugar na ito, magaling kasi itong makipaglaban at tinuruan niya kami ng self-defense. "Mga apo, halina kayo rito at kakain na tayo" Tawag ng lolo ni Agatha. Tumingin lang ako kay lolo, pagkatapos ay kinagat ko ang tinapay na hawak ko. "Kumakain na po ako, 'Lo. Ang sarap ng pandesal, mainit-init pa." Sabi ko, natawa maman ito at binigyan ako ng isang tasa ng kape. "Besh, paalis na sila Daisy at Emalyn, halika puntahan natin sila. Pabalik na sila ng Manila, tapos na ang limang araw na bakasyon nila." Sabi ni Agatha, nagmamadali ko namang binitawan ang tasa ng kape at saka ako tumakbo palabas ng maliit na bahay. Nakasalubong namin sila, napahinto kami ni Agatha at saka lumungkot ang mukha namin. "Aalis na kayo?" Tanong ko. "Oo eh, pasensya na kayo kung hindi kami talaga pwedeng magtagal ha. Alam nyo naman ang trabaho namin... baka matanggal kami sa restaurant ni Emalyn kapag hindi kami bumalik." Sabi ni Daisy, tumango naman kami ni Agatha at niyakap namin si Daisy at si Emalyn. "Tigilan na ninyo 'yang mga kalokohan ninyo. Baka sa susunod na pagkikita natin ay nasa kulungan na kayong dalawa!" Sabi ni Emalyn kaya tawa kami ng tawa ni Agatha. Pagkaalis nila Daisy at Emalyn ay nagtungo muna kami ng palengke upang bumili ng isda na lulutuin namin pananghalian. Sigurado kami na matutuwa ang lola ni Agatha dahil mahilig itong kumain ng isda. Ilang oras pa ang lumipas at nakatapos na kami sa pagluluto at masaya kaming nag-uusap-usap sa table habang kumakain kami ng pananghalian. Pero natigilan kami ng makarinig kami ng ingay sa labas, lalo na ng may magsimulang kumatok. Kinabahan ako, baka ito na 'yung lalaking ginulo namin sa kasal nila. Mabilis akong nakalabas sa likurang bahagi ng bahay. "Magandang tanghali ho!" Nagulat ako, nakikita ko si Marcus at marami itong mga kasama. May mga tauhan din ito na nakakalat kaya nag-iingat ako na hindi nila makita kapag sumulpot ako sa likuran ng lalaking ito. "Mga hijo, ano ba ang kailangan ninyo at tanghaling tapat ay napasugod kayo dito?" Tanong ng lolo ni Agatha sa mga ito. Nakikinig lamang ako habang nakakubli kami ni Agatha. "Si Melanie Simone Dimagiba ho ang sadya namin dito. Pwede ho ba namin siyang makausap? Napaka importante lang ho talaga ng sadya namin sa kanya." Sabi ni Marcus, nakatitig lang siya sa lolo ni Agatha. Hindi ko alam kung ano ang sadya nila dito. Parang kinakabahan ako. Ipinagkaila kami ni lolo, pero hindi naniwala si Marcus, at tila ba alam na alam niya kung sino talaga ang pinuntahan niya sa lugar na ito. Hindi na rin ako nakatiis sa pangungulit niya sa lolo ni Agatha kaya lumabas na ako sa pinagkukublihan ko. Nakakatawa siya, iuuwi daw niya ako sa kanila. Bakit? Nakakaloka siya! "Ano ba ang ginagawa mo dito ha? Anong kailangan mo sa akin at paano ninyo ako nahanap dito ng ganuon kabilis, ha? Sino ang iuuwi mo sa bahay ninyo?" Inis ako, pasalamat siya at hindi ko siya pinalo sa likuran niya. Pero bro lang, hindi rin naman ako makakakilos, paglabas ko pa lang kasi sa pinagtataguan ko ay naglapitan agad ang mga tauhan nito. "Susunduin ka dahil pinapauwi ka na ni dad. Alam kong kilala mo kung sino ako, Melanie Simone Dimagiba Dux." Sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay, pagkatapos ay pinagtawanan ko talaga siya. Ngayon sasabihin niya na isa akong Dux, samantalang nuong buntis ang aking ina at nuong nabubuhay pa ito ay itinakwil ito ng kanyang ama at hindi ako kinilala kahit nasa tiyan pa lang ako. Galit na galit ako at sinabi ko sa kanya na ama lang niya ang tinutukoy niyang dad. Wala akong pakialam sa kanila dahil para sa akin, wala silang kwentang tao. Galit na galit ako sa kanya dahil siya lang ang itinuring na anak ng ama namin, at galit na galit ako sa kanya dahil habang nagpapakasarap siya sa buhay, ako naman ay nandudukot upang magkaroon ng laman ang sikmura ko. Wala na akong ina at namatay na ito apat na taon na ang nakalilipas. Mula nang malman nila lolo na sa lansangan ako natutulog ay sila na ang kumupkop sa akin. Pagkatapos ngayon ay darating sila para sabihin na iuuwi na nila ako? Fvck them! "Kung gayon ay alam mo kung sino ako sa buhay mo?! Kung gayon ay totoo ngang kapatid mo ako base sa ikinikilos at sinasabi mo. Well then, sa ayaw at sa gusto mo ay sasama ka sa amin pabalik ng Manila, kung saan ay nararapat kang manirahan kasama kaming tunay mong pamilya." Sabi niya. Galit na galit ako kaya dinampot ko ang tinidor at binato ko sa kanya, pero nakailag siya kaya dinampot ko ang isa pang tinidor at muli kong ibinato sa kanya, pero nagulat ako ng sinalo niya ito ng kaliwang kamay niya. Galit na galit ako ng ipinipilit niya na iuuwi daw ako, tapos tawa pa sila ng tawa. Ayoko, hindi ako papayag, kaya inundayan ko siya ng isang suntok, pero nailagan niya kaya binigyan ko siya ng uppercut, pagkatapos ay tinadyakan ko siya kaya ayun... bagsak siya sa sahig! Buti nga sa kanya. Pinatigil na ako ng lolo ni Agatha at sinabi sa akin na hayaan ko silang magpaliwanag. Nag-usap-usap kaming lahat, kasama na si Hugo. Kung ano-anong paliwanag ang sinabi nila at inilabas ko rin ang lahat ng galit ko sa kanila. Pero sa huli ay nagawa ko silang patawarin at naunawaan ko na kung ano talaga ang tunay na nangyari. At ayun na nga! Sumama akong umuwi sa kanila sa Manila, pero nagpaalam ako ng maayos sa mga taong nakasama ko ng matagal. Babalik naman ako dito dahil kukuhanin ko ang mana ko at bibilhin ko ang lupain na ito para ibigay ko sa lolo at lola ni Agatha. Tapos bigyan ko sila ng puhunan para maitayo nila ang pangarap nilang babuyan. Matagal na nilang gusto 'yon, kaya ibibigay ko lahat 'yon sa kanila. Heto pa ang nakakatawa dahil nakilala ko si Lolo Dux at aking ama na si Simone Dux, at ang lokong Eoghan na 'yon na iniwanan ng bride sa kasal... aba at ang gusto niyang mangyari ay ikasal kami, bilang kapalit daw ng babaeng 'yon, pero mukhang mahihirapan ito sa mga pinsan ko at lalo na kay Kuya Marcus. Pero aaminin ko, ang gwapo pala niya at talagang makalaglag panty. Grabe sya, saan ba siya ipinaglihi ng kanyang ina at para siyang isang anghel na bumaba sa lupa. Grabe ang gwapo talaga niya! Kaso, mahigpit sila Kuya Marcus, kahit na lapit, hindi nila hinahayaan si Eoghan, pero syempre, pasasaan ba at si lolo pa rin ang masusunod para maikasal kaming dalawa. Gusto kasi ni lolo si Eoghan para sa akin. Well, walang problema sa akin 'yan dahil gwapo naman siya at mukha namang mapagmahal, pero si Kuya Marcus? Sabi niya ay 'No way!' ╌──═❁═──╌ Time flies so fast at mahigit na limang taon na rin ang lumipas mula ng manggulo ako sa simbahan, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami ikinakasal ni Eoghan, pero may relasyon na kaming dalawa at isang taon na kaming nagsasama sa iisang bubong, pero nakipaghiwalay ako sa kanya. Break na kami at bahala na siya sa buhay niya. Why? Oh well... to make a long story short, may babae lang naman na nagpunta sa office ko habang nasa Milan ako, pagkatapos may kasama itong batang paslit na sa tingin ko ay nasa mahigit na apat na taong gulang na. At ang sabi niya sa akin ay anak daw nila 'yon ni Eoghan. At babawiin na raw niya sa akin ang ama ng kanyang anak. Oh, 'di ba, nakakagalit lang? Sa totoo lang, kung anak talaga nila 'yon ni Eoghan ay tanggap ko naman, kasi anak nila 'yon bago ko nagulo ang kasal nilang dalawa nila nuon, pero ang kinainis ko talaga ay nang ipinakita niya sa akin ang convos nila ni Eoghan. At lahat ng 'yan ay sinikreto sa akin ng lalaking 'yon. So, bakit? Gusto ba niyang balikan ang mag-ina niya? Then go ahead, magsama silang dalawa, nakakaloka! Paglihiman daw ako! "Melanie, nandito na naman si Eoghan sa ibaba." Malakas na tawag sa akin ni Lysette at ni Christalyn. Sino si Lysette at Christalyn? Well, si Christalyn ay anak ng pinsan ng aking ina. Namatay na ang mga magulang nito nuong bata pa kami at dito siya nanirahan sa Manila, pero kinuha na ng gobyerno ang kinatitirikan ng bahay na tinitirhan niya kaya wala na siyang matutuluyan pa. So, nagkita kami ng minsan ko siyang nakabunggo sa simbahan sa Quiapo, kaya ayun at kinupkop ko siya, kaya dito na siya nakatira sa akin. Si Lysette naman ay kaibigang matalik ni Christalyn at itinuring na niya ito na parang kapatid. Hindi kilala ni Lysette ang kanyang mga magulang dahil iniwanan lamang siya ng kung sino man sa harapan ng bahay ampunan, at ng makita daw siya ng isang madre ay may nakasuot na gold bracelet sa kanya na nakasulat ang buo nitong pangalan na Lysette ignacio. Naging kaibigan ko na din si Lysette, pero hindi ko pa siya naipapakilala kay Agatha, Daisy at kay Emalyn. Sila ang mga kaibigan ko. Pero sa kalokohan, si Agatha ang lagi kong kasama, kasi si Emalyn at si Daisy ay takot nuon sa mga kalokohan namin ni Agatha. Saka balita ko ay nasa probinsya na sina Daisy at si Emalyn, duon na sila nakahanap ng regular na trabaho. Ilang beses ko silang gustong tulungan, pero ayaw ng mga kaibigan ko kaya wala akong magawa kung hindi irespeto ang gusto nila. Si Agatha naman ay madalas na wala sa Pilipinas, ang dami na kasing nangyari sa buhay niya at ikinasal na ang bruha kay Thomas! Ang bruhang 'yon, ang daming naging sikreto, pero nauunawaan ko naman. Nasa France ngayon si Agatha dahil hawak nito ang ilang negosyo ng kanyang ina. Biruin mo nga naman, mayaman pala ang kanyang mga magulang at may mga kuya pa. Wow naman talaga! Ang bruha kong kaibigan... prinsesita pala! "Melanie!" Malakas na sigaw ni Christalyn. Nagulat ako. Nakalimutan ko na tinatawag nga pala nila ako dahil nandyan na naman sa ibaba si Eoghan. Hay naku talaga! Inis akong lumabas at hinarap ko si Eoghan. Nakataas ang isang kilay ko at nakapamaywang pa ako. Akala yata ng lalaking ito ay natutuwa ako sa pangungulit niya. "Babe, kausapin mo na ako. Wala naman talaga akong ginagawang masama. Malay ko ba na maghahabol ngayon ang babaeng 'yon. Saka hindi ko lang sinabi sa'yo ang totoo tungkol sa kanila dahil hindi pa naman tayo sigurado kung anak ko nga 'yon. Huwag ka namang magalit sa akin, ikaw lang naman ang mahal ko." Tinaasan ko siya ng kilay ko. Kung inaakala niya na mauuto niya ako, pwes, nagkakamali siya! "Tumigil ka Eoghan! Four months. Ganyan katagal na kayong nag-uusap, pero ni minsan ay hindi mo man lang nasabi sa akin? Hindi mo ako maloloko, kaya kung ako sa'yo, lumabas ka na at marami pa akong gagawin." Inis ako, inirapan ko pa siya. Akala yata ng lalaking ito ay mauuto niya ako. Biruin mo, four months, at kung hindi pa ako pinuntahan ng babaeng 'yon... hindi pa talaga niya sasabihin sa akin. So, manigas siya! "Babe naman, bati na tayo." Tinaasan ko siya ng kilay ko, pagkatapos ay nilapitan ko siya at saka ko siya sinuntok sa kanyang sikmura. "Lokohin mo ang kapitbahay ninyo, pero huwag ako!" "Nandito ka pala? Kinukulit mo na naman ba ang kapatid ko?" Si Kuya Marcus. Tuwang-tuwa ako ng makita ko ito kaya agad ko itong niyakap. "Magbihis ka Melanie, dadalhin kita sa hacienda ni dad dahil ipapasa na sa'yo ang titulo at ako ang naatasan ng ama natin na gumawa nuon. At ikaw Eoghan, hindi ba sinabi ko sa'yo na lutasin mo muna ang problema mo sa babaeng 'yon bago mo kulitin ang kapatid ko? Isang pangungulit mo pa, ako na ang haharap sa'yo." Binelatan ko si Eoghan, akala yata niya ay siya ang kakampihan ng kuya ko. "Brother in law, inaayos ko naman, kaya lang ayaw talagang pumayag ni Jacky na ipa-DNA ang bata, at pilit lang niyang ipinapakita sa akin ang birth certificate nito na ako ang ama na nakalagay. Pero hindi ako sigurado kung..." I cut him off. "Hindi ka sigurado na ano? Na hindi ikaw ang tatay? Hindi mo kasi kamukha, hindi ba? Kasi ang kamukhang-kamukha niya ay 'yung babaeng 'yon, pero titigan mo ang mata ng bata, kakulay ng mga mata mo. And besides, that’s not even the point! What matters is that you lied to me. Four months? You’re unbelievable, Eoghantot!" Inis kong sigaw. Natawa naman si Christalyn at si Lysette. Maging si Kuya Marcus ay natawa. Lagi ko kasi siyang naririnig na tinatawag si Eoghan ng Eoghantot, kaya iyan na ang itatawag ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD