“ARE YOU ALRIGHT?” Mula sa pagkakatingin sa malayo, napalingon ako kay Giuseppe nang marinig ko ang boses niya. Dahil nililipad ng hangin ang isipan ko, hindi ko manlang namalayan na nakalapit na pala siya sa ’kin. Nakaupo ako sa upuang naroon sa ilalim ng puno na ilang hakbang lang ang layo mula sa bahay. Hawak-hawak ko ang tasa ng kape na tinimpla ko kanina. Lumamig na rin iyon dahil sa mahangin ang buong paligid. Nag-iwas din agad ako ng tingin sa kaniya kasabay niyon ang pagpapakawala ko ng malalim na paghinga. “Yeah!” tipid na sagot ko. Even though, sa loob ko... I’m not okay. Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Hideo kagabi, pagkatapos nang pagtatapat ko sa kaniya tungkol sa pag-ibig ko para sa kaniya... pagkatapos niyang sabihin sa akin na hindi ko siya puwedeng mahalin, hindi

