Marlyn's POV
Nagising ako sa sinag ng araw na dumampi sa aking pisnge "Magandang umaga sa lahat" sigaw ko habang inuunat ang aking katawan.
Tinungo ko ang banyo upang mag-hilamos t'saka lumabas ng banyo upang tulungan ang aking mga magulang sa taniman.
"Magandang umaga Ma, Pa" bati ko sa aking mga magulang kasabay nito ang pagkuha ng mga buto na hawak-hawak ng aking Ina, "ako na po Ma" saad ko rito at nag simulang maghukay ng di gaano kalalim para itanim ang tatlong buto at ibaon sa lupa, kasabay nito ang pag dilig ng aking bunsong kapatid.
"Hello there my sister, I'm back!" Sigaw ng kung sino kaya nilingun namin ito at laking gulat na nakabalik na ang aking tiyahin mula sa Dubai, "Jusko Lorna ikaw pala yan, kamusta kana? Bat ka naparito?" Tanong ng aking Ina sa aking Tiyahin.
"Andito ako para kamustahin kayo" saad ni Tiya Lorna, "ay naku Lorna, okay lang naman kami rito, ikaw ba?" Tanong ni Ina.
"Okay lang naman, Oh ito mga pasalubong ko mula sa Dubai, may mga pangalan diyan kung saan yung inyo" saad ni Tiya Lorna t'saka inilahad ang pasalubong na tinanggap naman ni Ama.
"Nako Lorna, nag abala ka pa, ano ba talaga ang iyong sadya?" Tanong ng aking Ina kay Tiya Lorna. "Sister Lorena, ako na muna mag-alaga sa aking pamangkin, si Marlyn" saad ni Tiya Lorna sa aking Ina.
"At bakit?" Kunot noong tanong ng aking Ina, pero hindi sya sinagot ni Tiya Lorna, ngunit may inilahad itong papeles sa aking harapan, tinanggap ko ito at binuksan ang na sa papeles.
Laking gulat ko nang makitang isa ako sa mga pasadong estudyante sa CISU: my dream state university "To-Totoo ba ito Tiya?" Utal at di makapaniwalang tanong ko sa aking Tiyahin, tumango lamang ito kasabay nuon ang pag tatalon ko sa saya.
"Mama, Papa, hinding-hindi na tayo mag hihirap, yayaman na tayo in the future" masayang saad ko sa aking mga magulang.
"Tutuloy kaba talaga Anak?" Tanong ng aking Ina, "Mama, oo naman, para rin to sa ating kinabukasan, maniwala ka" saad ko sa aking Ina, na kalaunan ay napapayag kong sumama kay Tiya Lorna.
Hapon na at andito na kaming lahat sa kubo at ako ay naka pag impake na. "Bunso, saan si Inay?" Tanong ko dito, "Nasa kusina po Ate" saad ng aking bunso habang ito ay patuloy pa rin sa pag lalaro.
Tinungo ko ang kusina at nakita si Inay na naghahanda para sa hapunan namin, tinulungan ko ito sa kusina kasabay nun ang pag harap ni Inay sa akin.
"Mag-iingat ka doon haa, tawagan mo kami palagi para di naman kami mag alala masyado sayo kapag andun kana" tumango lang ako at sinabing "Oo Ma, wag kang mag alala sa akin, mag papakabait ako doon at laging mag-iingat" para naman mapakalma ang aking Ina.
Bumalik kami ni Inay sa aming gawain sa kusina upang kami ay maka pag hapunan na.
"Kainan na!" Sigaw ko at nag simula na kaming mag tipon-tipon sa hapag kainan. Kumakain kami ng masaya, may halong tawanan at kwentohan.
Habang kumakain ay madaming pumapasok sa aking isipan na mga imahinasyon kung gaano ka ganda ang labas lalo na ang loob ng unibersidad na ito.
Matapos aming kainan ay tinungo ko ang aking maliit na kwarto pagka-rating ko doon ay nag lagay ako ng eskinol sa cotton ball t'saka ipinahid ito sa aking mukha para ito ay malinisan matapos kong gawin ang paglilinis ay pinag patuloy ang aking mga imahinasyon patungkol sa Celestial International State University or CISU for short.
Sa dami nang kagandahang imahinasyon na pumapasok sa aking isipan ay nilamon ako ng antok at nakatulog agad-agad.