Julio's POV Wala talaga akong plano mamasyal. Pero dahil sa spontaneous message ni Mark sa group chat. "Bro, samahan mo ako bumili ng regalo kay kuya". Napilitan akong sumama. Kaya eto ako, nasa gitna ng mall na punung-puno ng tao. Tunog ng music at amoy ng cinnamon pretzels. Kumakain ako ng fries sa gilid ng bench habang hinihintay si Mark na nasa men's accessories section. Then, boom. May pamilyar akong nakita. Long wavy hair. Oversized pastel shirt. White sneakers. Nicole Lee Park. Eye contact. Hindi ko alam kung anong una kong naramdaman. Gulat? Saya? Nerbiyos? Parang lahat sabay-sabay. Tumigil siya sandali nang mapansin niya ako. "Julio?" Tawag niya sa pangalan ko. Parang hindi sigurado kung ako nga ba. Tumayo ako ka agad. "Uy, Nicole." Ngumiti siya. Hindi yung polite smil

