Carla's POV Lahat ng tao may kilig story sa P.E. kahapon. Pero ako? Ako lang yata ang na-ghost ng sarili kong expectations. Hindi ko alam kung bakit ako affected. Hindi ko naman siya gusto hindi ba? Hindi ba Carla? Tanong ko sa sarili ko. The Andrea effect. "Good morning, girls!" Bati ni Megan habang inaayos ang hair niya sa hallway mirror. "Good morning din!" Sabay-sabay naming sagot. Kasama namin si Nicole at Claire. Ang usual morning tambay sa hallway habang hinihintay ang first subject. Pero hindi iyon yung highlight ng umaga. Kasi pagkasulyap ko sa kabilang side ng corridor, ayun siya. Si Victor. With Andrea. Again. Nagkakatawanan sila habang naglalakad papunta sa next class. "Uy, Carla." Bulong ni Claire. "Bakit ka nakakunot noo?" "Huh? Hindi, ah." Mabilis kong sagot.

