Chapter 30

2119 Words

“Mauna na akong umuwi, may klase ka pa eh,” ani Diana.   “Uuwi ka na?” kunot-noong tanong ni Paris. Tumango naman si Diana.   “Oo, maghahanda ako ng dinner natin,” nakangiting sagot ni Diana. Kaagad na naalarma naman si Paris.   “Don’t ever dare, you will blow up my unit so please, don’t. Ako na ang bahalang magluto mamaya,” sagot ni Paris. Napakamot naman sa ulo niya si Diana.   “Okay, maglilinis na lang ako, bye,” nakangiting paalam niya. Tumango lamang si Paris. Nang makaalis si Diana ay umalis na rin siya papunta sa faculty ni Cheska. They probably needed to talk. Kinatok niya ang faculty nito. Mukhang hindi pa inaasahan ng dalaga ang pagpunta niya dahil nanlaki pa ang mata nito sa gulat.   “Paris, come in,” anito. Pumasok naman siya sa loob and she offered him a seat.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD