Napatingin pa si Naeia sa likod ng binata nang matapos ang period na iyon. Napahawak siya sa ulo niya at tiningnan si Tria na parang baliw na nakamasid sa kaniya. “Bakit?” tanong niya. “Nagkakagusto ka na ba kay, Keiran?” tanong nito. Kaagad na naglukot ang kaniyang noo at umiling. “Parang tanga ‘to, wala ah,” sagot niya at umayos sa kinauupuan. “Weh?” Pang-iinis ni Tria sa kaniya. Napaikot niya ang kaniyang mata at inayos ang kaniyang bag. “Huwag ako, Tria,” banta niya rito. Ngumisi lamang nang malapad ang kaibigan niya. Bandang alas-kuwatro ay tapos na ang kanilang klase. Uwian na. Sabay na lumabas sila ng eskuwelahan at nauna naman si Tria na umuwi dahil may sumundo rito. Napatingin naman sa loob si Naeia at napaiisp. Hindi niya namamalayang naglalakad na

