Bandang alas-sais ng gabi ay napagpasiyahan ni Diana na umuwi na. Sumakay siya ng taxi at huminto sa isang sikat na kainan noong nagbo-boarding house pa siya. Ang balbacuahan ni Aling Chedeng. Nag-abot siya ng bayad sa traysikel driver at pumasok na sa loob. Kaagad na binati siya ng mga naging kaibigan na niyang mga serbidor. “Uy! Ang tagal na nu’ng huli mong kain dito, Diana,” wika ni Roger ang serbidor. “Oo nga po eh, isang balbacua nga po at bulalo t’saka dalawang serve ng kanin” aniya. Tumalima naman kaagad ang serbidor. Nakangiti lamang si Diana habang nakatingin sa mga trabahante. Napalunok siya nang maamoy ang napakapamilyar na bango ng ulam. Nang maihain iyon sa harap niya ay kaagad na pinisa niya ang sili sa sabaw at nilagyan ng kalamansi. Humigop siya at napapikit sa

