Natigil sa pagtawa si Naeia nang makita si Keiran kasama ang mga kaibigan siguro nito. “Ang pogi naman ng binatang iyon, ‘nak,” puri ng ina niya. Ngumiti naman ang dalaga at hinintay na umabot si Keiran sa kanila. “Hoy! Vasiliev,” tawag niya rito. Huminto naman ang binata at tiningnan siya. Ganoon din ang mga kasama nito. Ibinigay naman ni Naeia ang paper bag. “Heto na pala iyong ipinahiram mo sa ‘kin. Thank you, pogi,” aniya at kinindatan ito. Napatingin naman ang binata sa kaniya at tinanggap iyon. Nagpaalam na rin ito sa ina niya. Nang makalayo ay kaagad na kinurot ng ina niya ang kaniyang tagiliran. “Aray!” reklamo niya. “Iyon ba iyong crush mo?” tanong ng ina niya na parang kinikilig pa. Kaagad na napairap naman ang dalaga. “Hindi ko iyon type, My. Sige

