Special Chapter Nakaupo lamang si Naeia habang nakatingin sa mga anak niyang naglalaro kasama ang mga pinsan nito. Si Zero, Nirvana and Green ay triplets. Nag-iisang babae si Nirvana. Masayahin ito samantalang ang dalawa ay halatang manang-mana sa ama nito. Nagdalawang-isip naman si Naeia kay Green dahil mukha itong alanganin. Okay lang naman sa kaniya. Baka magbago pa ito dahil nasa discovery age pa naman ang bata. “Mommy!” tawag sa kaniya ni Vana. “Bakit?” tanong niya rito. Paiyak na kasi ito. Kumikibot pa ang labi nito, maging ang pisnging matambok ay namumula na. “Kinuha ni, Green ang barbie doll ko,” sumbong nito. Napatingin naman si Naeia sa kinauupuan ni Green na sinusuklayan ang laruan ni Vana. “Green, give that to your sister,” saad niya. Bumusangot lamang

