“Sorry? Bakit ba hindi mo maintindihan, Diana? Are you sorry for what? You always say sorry but you keep on doing it again,” seryosong wika ni Paris. Halata sa mukha nitong galit ito. “Let’s get annulled,” mahinang saad ni Diana. Kaagad na natigilan si Paris. Hindi makapaniwalang tiningnan siya nito. Natawa naman ito nang pagak. “Kapag ba may pag-aawayan tayo iyan ang gusto mong solution?” tanong ni Paris. Napaangat ng tingin si Diana at natigilan. Hindi niya maipaliwanag ang reaksiyon ng asawa niya. “I-iyon ang mas makabubuti sa atin, Paris. Ayaw kong ganito palagi. Nasasaktan mo ako nang hindi mo napapansin, tapos ako namang tanga gagawa ng maling desisyon. Alam ko namang walang patutunguhan ‘tong relasiyon natin. Alam naman nating pareho na wala talagang mangyayari sa ‘

