Nag-e-empake na ang dalaga dahil tapos na ang kaniyang one month vacation. Tinutulungan siya ni Keiran. Sabay silang uuwi. May trabaho kasi siyang tinanggap bilang isang ambassador ng isang company product. Kilala ang mga beauty products ng mga ito at siya ang napiling kuning model dahil nabalitaan nitong nakauwi na siya two weeks after nu’ng pagdating niya. “Magiging busy ka ba?” tanong ni Keiran sa kaniya. Tiningnan naman niya ito at tinanguan. “Yea, bakit?” tanong niya rito. “Nothing,” sagot nito. Nagkibit balikat naman ang dalaga at napatingin sa labas ng sasakyan. “Sleep, medyo may kalayuan pa ang biyahe natin,” wika ng binata. Kaagad na tumango naman ang dalaga. Inabot din ng ilang oras ang tulog niya. Kung hindi lang nangalay ang ulo niya hindi siya magigisi

