“Tingin mo bet ako ni, Tita?” tanong ng dalaga sa binata. Kaagad na hinawakan naman ni Keiran ang kamay niya. “She always likes you, sa katunayan nga nu’ng nalaman niyang wala na tayo, she scolded me for being a moron,” nakangiting sagot nito. Nagulat naman ang dalaga. “Talaga? Akala ko ako lang ang may tingin sa ’yo nang ganoon. I’m glad, at least, Tita felt the same way,” nakangiting saad ni Naeia. Napailing naman si Keiran. Ilang minutong pagmamaneho at huminto sila sa isang bahay na sobrang pamilyar sa kaniya. “Kinakabahan ka ba?” tanong ng binata. Tumango naman siya. “Obvious ba?” sagot niya rito. Tumango naman ang binata. Kumalma naman ang dalaga. “Nahiya ako,” aniya pa. “Come on, I am here. They are waiting for you inside,” ani Keiran. She can

