Huminga siya nang malalim at pilit iwinawaglit ang nakitang litrato. She trusted him so much. Alam niyang hindi magloloko ang binata. He assured her. “Kumalma ka,” kausap niya sa kaniyang sarili. Hindi niya alam kung ano ang gagawin gayong nakahiga na siya ngayon sa kama niya. Nakahawak lamang siya sa cellphone niya at napagpasiyahang puntahan niya ito sa state college na pinapasukan ng binata. Nagbihis siya ng jeans at gray t-shirt t’saka sneakers niya. Inayos niya ang kaniyang sarili at lumabas na ng bahay. Alas kuwatro-treinta pa rin naman. Naglakad na siya at naghintay ng traysikel sa labas ng subdivision. Nagpahatid siya sa eskuwelahan ng binata. Kinakabahan siya pero tinitiis niya lang. Kailangan niyang makausap ang binata. Ayaw niyang maging toxic pero natatakot siyang baka ito pa

