Hinihintay niyang lumabas mula sa banyo si Walter, ilang halos gabi na din sila ng makauwi mula sa pagpapacheck up. So far ay ayos naman ang lagay nila ng baby niya. Nahiya pa siya ng itanong ni Walter sa mismong ob niya ang tungkol sa seks. Nang lumabas ito ay nakatapis lang may tumutulo pang tubig sa katawan nito. Parang lalo siyang natakam na yakapin ito. 'Talaga Dana? Yakapin lang?' tudyo ng mahadira niyang utak. "Ininom mo na yung gatas mo?" Tanong nito. "Di naman yata gatas yun e, lasang kalawang." Nakanguso kung sabi dito. Ininom naman niya kaya lang di niya lang matagalan ang lasa. "Ayaw mo ng ganung flavor? Bukas papahanap tayo ng ibang flavor." Sabi nito na lumapit sa kanya. "Yang mata mo o malapit na akong mahigop." Tudyo nito na ikinapula ng mukha niya. "Rumarampa rampa

