Nagising siyang mag isa nalang, bago na ang kama dahil kahapon nakapag order na si Kuya Dwayne. Regalo niya daw para sa kasal naming dalawa ni Walter, pero ang tanong kailan kaya ang kasal na sinasabi nito? Di naman nila kahapon napag usapan. Bumangon siya matapos na iligpit ang kanyang higaan. Naligo na din siya para naman presko ang kanyang pakiramdam. Nagtaka pa siya ng may madatnan na tatlong babae at dalawang bakla na kumakain. "Good morning Ma'am!" bati ng mga ito. Lumingon pa siya baka ang Mommy niya ang tinatawag na Ma'am ng mga ito. Ngunit di naman. "Good morning din, sila mommy?" tanong niya sa mga ito. "Doon." halos magkapanabay na sabi ng mga ito, ngunit magkakaiba naman ang dereksiyon ng turo ng mga ito. "Sorry, umalis pala." nakangiwing sabi ng isa. "Ma'am Dana mag almu

