Isang napakalaki at napakalawak na silid ang pinaglipatan sa kanilang mag asawa. Pag pasok palang ay napanganga na siya sa ganda ng naturang silid, pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa sa gandang taglay niyon. Mula sa mga kulay na pinili hanggang sa maliliit na detalye ay nakakamangha at nakakalula talaga. "Ang ganda!" bulalas niya. Napahigpit ang kapit niya sa kanyang katabing asawa. Nauna nang dinala ng mga kawaksi ang kanilang mga gamit. "Nagustohan mo ba hija ang inyong magiging silid na mag asawa?" tanong ni Mommy Bia. "A opo ang ganda ganda po. Pero ayos lang naman po kahit sa garahe lang kami matulog diba Walter? Kalabisan na po kung ganito kagara ang silid namin. Gayung puro purwesyo lang naman ang hatid namin." sabi ko na bahagyang siniko ang asawa na natatawa sa tabi ko. "N

