Nag uunahan na pumasok ang kanyang pamilya at pamilya ni Walter sa loob ng kanyang silid maliban sa kanyang kuya Dwayne. Nang makita siyang umiiyak ng kanyang ina ay agad itong yumakap at humagulhol din. "Magpakatatag ka, alam kung maliliwanagan din ang isip ng asawa mo." Sabi ng kanyang byenan. Lalo naman siyang napahagulhol. "Di niya po matanggap ang pinagbubuntis ko Mommy. Pero kahit mamatay po ako ngayon wala po akong lalaki. Di ko yun magagawa sa asawa ko." Puno ng luha ang aking mga mata habang sinasabi ang mga katagang iyon. "Hsssh walang magulang na di tatanggap ng anak. Ang iniisip ko ay baka kung ano ang gawin niya dun sa doctor. Posible kasi na nagkamali ng diagnosis ang doctor." Si Daddy nito. "Alam ko na gustong gusto ni Samuel na magkaanak, natutuwa ako na sa wakas ay mak

