Walter pov Di siya mapakali at pabalik balik siya, sinama na niya ang kanyang pamilya sa bahay ng kanyang byenan. Ginawa niya iyon para may kasama siyang magbabantay sa asawa niya. Nagkausap na naman sila ng mga byenan nya about sa plano niya. At natuwa pa nga ang mga itO sa kanyang balak, kung di lang sana gumawa ng eksena ang pinsan niya baka ayos parin sila ngayong mag asawa. Simula ng makilala niya ang asawa ay iyon ang unang pagkakataon na nakita niyang nagalit ito. Nilukob ng takot ang puso niya dahil sa nakita niya. Malayong malayo sa Dana na mahiyain, mahinhin at tila di makabasag pinggan. Kanina ay tila tigre ito na akala nga niya ay sasakalin na siya. Halos masakal niya kanina ang pinsan ng umamin ito na sinadya nito ang asawa niya kanina, upang sabihin dito na iniurong na nam

