Kagabi pa hindi makontak ang asawa kaya naman medyo mainit ang kanyang ulo. Tinatawagan at tinitext niya ito nag ring naman ngunit tila sinasadyang patay lang. Naiinis na siya lalo at inaasar pa siya ni Kuya Duke niya. "Ano di parin tumawag si bayaw?" tanong nito. Halata ang pagkaaliw nito sa kanyang pag simangot. "Halata ba Kuya?" tanong ko dito, kung galit ang boses ko? Di naman masyado yung tipong nakabuka lang ng mga three inches ang aking mga mata na kung nakakasunog lang ang tingin sunog na sunog na ang Kuya niya. Yes finally ay tanggap na niya na bahagi nga siya ng pamilyang ito. Ramdam niya ang pagmamahal mula sa kanyang mga kapatid at magulang. Maliban sa pang aasar ni Kuya Duke niya lalo pag tungkol sa asawa niya ang pang asar nito. "Di nga halata masyado e, baka naman e may

