NANONOOD NG movie sina Riley at Neo sa sala nang makatanggap sila ng tawag mula kay Gian. Sa cellphone number ni Neo ito tumawag kaya naman ito agad muna ang nasabihan ng balitang nag-away na naman sina Aidan at Sean. Lumayo si Neo kay Riley upang hindi na nito marinig ang pag-uusap nilang dalawa. "Nasaan na ngayon si Aidan?" tanong niya habang nasa kusina. Nang tanwin niya si Riley ay nasa kaniya ang atensyon nito at nakakunot ang noo. "Nasaan ka ba noong magbangga na naman ang dalawang iyon?" Hindi na naitago ni Neo ang inis kay Gian. Hindi man lang nito nabantayan si Aidan. "Nagpaalam kasi siyang magbabanyo lang. Knowing Aidan, alam naman natin na hindi siya ang magsisimula ng gulo, Neo. Nandito siya sa office ng ate ko. Nagpapunta ako ng doctir na pwedeng gumamot sa labi niya." Hum

