NAGING SUCCESSFUL ang pagsasalin ng dugo ni Riley na galing kay Sean. Ilang oras pa muna ang lumipas bago ito nagkamalay. Laking pasasalamat nilang magkakaibigan dahil umookay na ito. Nagulat pa nga si Riley nang makitang nandoon si Sean at nakangiti ito rito. "A-anong ginagawa mo r-rito?" Halata sa boses nito ang takot. Kaagad naman na hinawakan ni Aidan ang kamay nito at naupos sa tabi niya. "Riley, calm down, okay? Mahabang paliwanagan ang gagawin namin sa iyo sa oras na maging okay ka na. Sa ngayon ay kailangan mo muna magpagaling dahil sariwa pa ang tahi mo." Hinawakan nito ang pisngi ni Riley habang hawak ito sa isang kamay at hinalikan iyon. Kumunot ang noo ni Dash saka napatingin sa ibang mga kaibigan na kagaya niya ay nagulat kay Aidan. Nagkibit-balikat ang mga ito. Nang tum

