NAGULAT PA si Riley nang mabungaran niya sa sala si Aidan na umiinom ng kape. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa tasa niyang may laman na gatas. Tiningnan niya si Aidan bago ito taasan ng kilay. "Morning. Alam ko na ganitong oras ka lalabas ng kwarto mo kaya naman pinagtimpla na kita ng gatas." "Nakapag-toothbrush na ako." Kumuha siya ng mangkok at saka inabot ang box ng cereal sa pantry. "Bakit ka nandito?" Ngumiti ito sa kaniya. "Dito rin ako nakatira, di ba?" Tinitingnan nito ang bawat kilos niya. "Akala ko ba nag-toothbrush ka na? E maglalagay ka rin naman ng gatas diyan sa cereal mo, di ba? Don't worry, malinis tong gatas na tinimpla ko para sa iyo." Sumimangot siya rito. "Ayoko sa timpla mo, di ba? Masyadong matamis." Naupos siya saka tiningnan ang cellphone. Nang makita

