Four

1138 Words
NAPATITIG kay Lemuella ang magaling na lalaki. Mayamaya ay ngumisi si Marrio. Malapad na ngisi. "Whoa!" ang reaksiyon ni Marrio. "Are you serious?" parang gusto nitong humalakhak. "Naeskandalo ka sa iniisip mong pagtitig ko sa boobs mo kanina, ngayon naman, naghahamon ka ng s*x? Hindi mo alam ang sinasabi mo—ano nga ang name mo?" "Ellah," agap ng dalaga. Biglaan na siyang nag-desisyon na subukan kung may mapapala siya sa apo ni Lola Pinang. "Ayaw mo ba ng free s*x?" Matapang pa niyang agaw. Okay na rin si Marrio. Pagtitiyagaan na ni Lemuella ang angas nito para sa buhay niya. "Virgin ako kaya una ka. Jackpot 'di ba? Kung generous ka naman, bayaran mo ako. Price ng virgin." Hindi alam ni Lemuella na papasa pala siyang artista. Parang nag-aalok lang siya ng tinapa kay Marrio. Panalo ang tono at walang emosyong mga linya niya. Nganga na ang bruho. Kung kanina ay naaliw, ngayon ay mukhang nawiwindang na. Gustong tumawa ni Lemuella pero hindi niya ginawa. "Nasa katinuan ka ba?" hindi na yata napigilang tanong ni Marrio. "O 'Sisa' ka talagang napulot ni Grandma sa kung saan? Parang hindi ka talaga normal—" "Gusto mo ng s*x o ayaw?" matapang na agaw uli ni Lemuella. Babatiin na lang niya ang sarili na hindi siya nag-stammer. "Paalis na ako. Kung ire-reject mo ako, gawin mo na agad. Maghahanap ako ng lalaki sa ibang lugar—" Matagal na napatitig sa mukha niya si Marrio. Parang pinipilit siyang intindihin pero hindi talaga makayanan ng isip. Hindi maipinta ang mukha nito. "s*x," ulit ng lalaki mayamaya. "Bakit mo naman naisip na papayag akong tikman mo?" at ngumisi ang loko. "Virgin din ako." "Wow!" napalakas na sabi ni Lemuella. Sa ngisi lang ni Marrio Debil, obvious na nagsisinungaling na. "Magliliyab ka na mamaya, Marrio—" "Bakit nga?" putol nito. "Bakit mo ako tinetempt na makipag-s*x sa 'yo?" "Hindi kita tine-tempt, uy!" balik niya. "Tinatanong kita nang maayos kung gusto mo o hindi. Hindi kita type! Gusto ko lang ng sex." "Gusto? Bakit mo gusto ng s*x?" "Gusto ko lang. Kailangan i-explain pa?" "Virgin ka?" "Oo nga!" "Bakit mo gugustuhin ang isang bagay na hindi mo pa nararanasan?" Bumuka ang bibig ni Lemuella pero wala siyang nasabi. Basag ang plano. Mukhang mapapaamin pa siya ni Marrio sa totoo niyang intensiyon. Para matapos na, itinulak na lang niya ang lalaki para makaalpas na siya sa hawak nito. Aalis na lang siya ng resort. Sa next stop siya maghahanap ng lalaki—sa Maynila. "Ang dami mo pang arte," sabi ni Lemuella. "Kung ayaw mo, 'di 'wag. Tumabi ka na nga—" itinulak niya ito pero hindi man lang natinag. Ano ba naman ang laban niya sa machong katawan nito? "Hindi halatang nag-o-offer ka ng free s*x, Ellah—" "Katatawag mo lang sa akin ng Sisa kanina," sagot naman niya. "Isipin mo na lang na may tama nga ako sa utak kasi kung wala, hindi ko io-offer sa 'yo ang virginity ko—" "Hindi ka inutusan ni Grandma na gawin ang ginagawa mo?" Umangat ang mga kilay niya. "Ba't ako uutusan ni Lola Pinang na makipag-s*x sa 'yo? Wala ka daw ibang alam gawin kundi magpa-guwapo! Mahal na ako no'n kahit bago lang kaming friends! Concerned siya sa akin—" "Bakit pendant mo ang black diamond ring na 'yan?" mula sa mata niya ay bumaba ang mata ni Marrio sa pendant ng kanyang kuwintas. May na-realize naman si Lemuella. Ang diamond ring yata ang tinitingnan ni Marrio kanina at hindi talaga ang boobs niya! "Sa diamond ring ka ba nakatingin kanina? Hindi sa boobs ko?" Hindi pinansin ni Marrio ang tanong. Nakatutok ang tingin sa pendant. "Binigay ni Grandma?" Umiling siya. "Pinapatago lang. Medyo magulo ang paliwanag niya pero tinanggap ko na lang. Wala ka daw kasing pakialam sa mga bagay na may sentimental value sa kanya. Hindi ka raw marunong mag-ingat kaya ako na lang ang magtago. Kukunin niya 'to sa ibang araw." Katahimikan. Nakatingin pa rin si Marrio sa singsing. Mayamaya ay lumipat sa mata niya ang tingin. Wala namang sinabi si Marrio kaya si Lemuella na uli ang nagsalita. "Okay na tayo, 'di ba? Bitiwan mo na ako. Maghahanap pa ako ng ka-s*x—" Biglang hinawakan nito ng dalawang kamay ang mukha niya. Nagtama ang mga mata nila. "Seryoso ka talaga?" "Oo nga!" Dumistansiya si Marrio, sapat lang para magtama ang mga mata nila. Ngingiti-ngiti ang loko. "Okay," sabi nito. "I'd give you what you want," sabi nito, pinadaanan ng daliri ang lower lip niya. "Pero may kapalit." "A-Ano?" kinabahan siya. Baka kung ano ang ipagawa sa kanya ng unggoy na ito. Ngisi pa lang ni Marrio, halatang masama na ang iniisip. "TSS." "TSS?" "Truth. s*x. Service." Aba't may TSS pang nalalaman? "Di ko gets," agad sabi ni Lemuella. "Explain mo." "Truth—Sagutin mo ng totoo. Bakit mo ginagawa ang ginagawa mo?" "Kung sabihin kong iaalay na ako sa kulto, maniniwala ka ba?" "Depende kung paano mo ako mapapaniwala. Ano'ng totoo, Ellah?" Ah, matino naman palang kausap si Marrio Debil. "Para sa buhay ko," sabi niya. "Kung hindi ko gagawin 'to bago ako mag-thirty one, patay ako. 'Tagal ko na rin namang iningatan ang virginity na 'to, eh. Oras na rin siguro para itapon. Malapit na ang birthday ko, ayoko pang mamatay, 'no!" wala siyang balak mas magpaliwanag pa. Maintindihan man ni Marrio o hindi ang sinabi niya, wala nang pakialam si Lemuella. Nakakaasar ang ngisi ni Marrio. Nagpigil lang siyang sampalin ang lalaki pero nang bumaba sa lips niya ang titig nito, nag-react ang heartbeat ni Lemuella. Bakit parang gusto siyang halikan ng bruho? Wala sa hitsura at angas nito na mate-tempt i-kiss ang chubby at morena na gaya niya. Ngiti pa lang ni Marrio Debil, naghuhumiyaw na ang pagiging babaero. "Ayokong mag-explain pa," si Lemuella uli. "Basta 'yon, may threat ang buhay ko—" "Ano'ng kinalaman ng virginity?" "Virginity nga ang papatay sa akin. Nabanggit ko na 'di ba?" "May sakit ka na? 'Yong sakit ng mga old maid?" "Eh, kung tuhurin kaya kita? Thirty lang ako, old maid na agad? Saktan kita diyan, eh!" Tinawanan lang siya ng bruho. Mayamaya ay, "s*x. Ilang rounds gusto mo?" nananadyang idinikit nito ang noo sa kanya. Nagsikip tuloy ang paghinga ni Lemuella sa lapit nito. "Isa lang, uy—" "And service," agaw nito. "Three months kang titira sa condo para maging maid ko." Biglang naitulak ni Lemuella si Marrio. "Maid? Three months?" "Hindi pa ako tapos, Ellah." "Wow! Hindi pa talaga tapos sa lagay na 'yon?" "You'll be my wife." "Wife!" "Iniisip mong makukuha mo ang katawan ko nang ganoon lang? No, chubby girl. Pananagutan mo ako sa ayaw at sa gusto mo!" Alam na ni Lemuella ang pakiramdam na yumanig ang mundo. Tinamaan ka ng magaling, Kamatayan! Kasalanan mo 'to, eh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD