“What are you doing here?” tanong ko sa kanya bago ko ipihit ang katawan ko para talikuran s’ya. I went back to the counter to get my whiskey before I took a sip on it. Hinila n’ya ang kamay ko dahilan para maalis ang baso sa aking mga labi. “Love, talk to me please.” Nilampasan ko s’ya at hindi ko man lang s’ya nilapatan ng tingin. Dumiretso ako sa sala pero muli n’yang hinila ang kamay ko dahilan para mapaharap ako sa kanya. Tinapunan ko ng tingin si Tessa at Yohan na lumabas para iwan kami. Marahas n’yang tinanggal ang malaking eyeglasses na humaharang sa maganda n’yang mukha. My lips parted nang bumungad sa’kin ang pugto n’yang mga mata. Umiwas agad ako ng tingin dahil do’n. “Love, what’s happening to you? Alam mo bang halos mabaliw ako, kakaisip kung anong nangyari sa’yo? You’r

