“Love,” gulat na sabi ni Noe nang lumabas ako. Nagkatinginan sila ni Tita nang masambit niya ang endearment naming dalawa. Sandali akong natigilan pero pilit akong bumalik sa aking sarili nang mapansin kong nagtataka si Tita kung bakit iyon ang itinawag sa’kin ni Noe. “Love?” nagtatakang sabi ni tita bago niya kami tapunan ng tingin. “Hello po,” sambit ko pero itong boyfriend ko ay wala pa ring kibo. “Ako po si Love,” dagdag ko pa para hindi mahalata ni tita na iyon ang endearment namin ng anak niya. I offered my hand to her for a hand shake and she quickly accepted it with a smile. “Ang ganda naman ng pangalan mo, Love. Salamat sa paghatid mo sa anak ko ha. Madalas kasi ‘tong nasa bahay ng kaibigan niya kaya masaya akong naihatid mo siya rito,” aniya. Hindi niya pa rin binibitaw

