Akala ko kapag nakalayo na kami sa mga tao nung araw na pumunta ako sa mall nang mag-isa, itutulak na n’ya ako at pababayaan. Pero hindi. Niyakap n’ya ako. Mahigpit at matagal. Hindi n’ya ako hinayaang umiyak sa isang tabi at sisihin ang sarili ko sa nangyari. I was so scared at that time because of what I did and what could happen because of what I did. He stayed by my side and let me cry on his chest. Nang maghiwalay kami nung oras na 'yun, nakaramdam ako ng isang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Gusto ko s'yang hanapin at gusto ko s'yang kausapin. Ayokong hanggang dun na lang kaming dalawa. Ayokong maging isang stranger lang s'ya sa buhay ko. Baka kapag hindi ko s'ya hinanap, maging isang maikling kwento na lang kaming dalawa. Ayoko naman s'yang mag mistulang, "The guy who s

