Chapter 10

1265 Words

"Ano bang nangyari?" Mahinahon na tanong sa'kin ni Ate nang maka-upo kami sa sala. Hindi ko alam pero nang mayakap niya ako ay tila ba nabawasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Madalas kaming nag-aaway ni Ate at alam kong normal lang 'yun sa magkakapatid. May mga bagay kaming hindi napagkakaunawaan na nagdudulot ng away. Madalas ako ang mali kaya nandyan siya para i-tama ako. Pero hindi kasi ako yung tao na basta na lang makikinig sa'yo. It takes a lot of time for me to accept your advice. "Para saan pa at naging kapatid mo 'ko? I'm your human diary, Cake. Tell me everything and I will listen…" Mahinahon niyang sabi. Tila ba isang musika ang boses ni Ate sa tainga ko dahilan para makumbinsi niya akong magsalita. "Alam mo naman 'yung problema namin ni Kurt, right?" Tumango siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD