Naglahad ng kamay si Noe kaya't pumasok na ako sa loob. Bumungad sa'kin ang iba't ibang uri ng pagkain na nasa isang lamesa rito sa sala. Tinapunan ko ng tingin si Noe na ngayon ay hindi maipinta ang mukha. Alam kong nararamdaman n'ya ang kulo ng dugo ko. Agad kong tinapunan ng tingin si Yohan nang biglang mag-ring ang telepono nito. "Excuse me, guys, boss ko." Umalis si Yohan at sinagot ang tawag. "Noe, try this one. Super sarap, promise!" Nagulat na lang ako nang biglang lumapit si Ana kay Noe at itinapat sa bibig nito ang mga strawberry, marshmallow, at chocolate cake na nakatusok sa iisang cake. Kung hindi ako nagkakamali ay chocolate syrup ang nasa ibabaw ng mga iyon. Automatic na tumaas ang aking kilay nang kumagat si Noe sa pagkain na itinapat ni Ana sa bibig n'ya. Agad akon

