Prologue

574 Words
“All I want to do is spend my life loving you and making you happy,” Ani ni Kurt. Diretso akong tumingin sa kanyang mga mata at marahan na ngumiti. He caressed my cheeks and drew my face closer to him. Hindi ko alam kung bakit hindi ko na maramdaman ngayon ang kilig na nararamdaman ko noon sa tuwing siya ang kasama ko sa eksena. I always felt emptiness instead of the excitement that I used to feel. Matapos naming magtitigan, unti-unti na naglapit ang aming mga mukha… “And cut! Good take.” Sigaw ng aming direktor. Agad kong iniwas ang tingin ko kay Kurt at agad siyang iniwan sa eksena. Lumapit agad ako sa PA ko para tingnan ang sunod na eksena sa script na hawak niya. Sumulyap ako kay Kurt at nahuli ko s’yang nakatingin sa’kin. Kurt already knew that our love team isn't as strong as it was when we first started out. Everything looked perfect in front of the camera, but we were strangers behind it.  Nang mag tama ang mga tingin namin ni Kurt ay agad kong binigay ang script ko sa aking PA para dumiretso sa aking dressing room. I can’t take the heavy feeling in the set. Bago pa ako makarating sa dressing room ko ay agad akong natigilan nang makaramdam ako ng kamay sa aking braso. Marahan kong pinihit ang katawan ko paharap sa kanya. Bumungad sa’kin si Kurt na tila ba may gustong sabihin sa’kin… “Cake…” Walang gana akong tumingin sa kanya. Muli sana siyang magsasalita nang biglang umibabaw sa paligid ang malakas na volume ng tv dito sa hallway. Tumingin ako kay Kurt at umirap bago ko ipinagpatuloy ang pagpunta sa dressing room.  Ngunit muli kaming natigilan nang marinig ko ang pangalan ko sa television. “Breaking news: A video of Actress Cake Mendoza with her bodyguard is trending on social media! And the video is from a newly made twitter account."   The reporter said before showing the video of me with Noe. We're just hugging in the video, at dahil artista ako at may ka-loveteam ako, it's a big deal. Hindi ako nagulat sa narinig ko pero hindi ko maililihim na natatakot ako. Natatakot ako para sa'min ni Noe.    Binato ako ng seryosong tingin ni Kurt. His forehead creased, confused by the video he had just watched. Tinapunan ko siya ng tingin pero agad ding bumalik sa balita ang atensyon ko.   I shed a tear on my face because I was surprised about the news, but still it made me smile. Nasa akin na ang lahat. I'm wealthy, well-known, and adored by many people. But there's something missing in my life, and I know it's Noe. Since the day I love him alam kong darating yung araw na papipiliin ako. Alam ko kung anong mga consequences ang haharapin ko kapag tinuloy ko ang nararamdaman ko sa kanya. This isn't the case, though. I can accept everything, but I can't accept that Noe will be hurt as a result of my decision to choose Noe over my career. Should I leave my career or be her leading lady for a lifetime?    "Totoo kaya ang video na ito, Partner? Gameover na ba ang Cake and Kurt Loveteam?" The reporter added.    Pinaling ko ang atensyon ko kay Kurt na ngayon ay may mga luhang lumingid sa kanyang mga mata. “Answer the question, Cake. Are we game over?” tanong ni Kurt.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD