Alam ko naman na kahit ilang bote ng alak ang maubos ko, hindi mababawasan ang pagka-miss ko sa girlfriend ko. Ilang araw na kaming hindi nagkikita at kahit text o tawag ay wala akong natatanggap mula sa kanya. Hindi ko alam kung ayos lang ba s’ya o hindi. Para akong mababaliw kaka-isip lalo na’t si Yohan pa ang kasama ko rito sa condo. I’ve been drinking since earlier while watching this movie starring Cake and Kurt. Ewan ko ba rito kay Yohan kung paano ako napilit na manood ng mga palabas nilang dalawa. Sa limang oras na pagtambay ni Yohan dito sa condo, wala s’yang ginawa kundi ipanood sa’kin ang mga palabas nila. I have no choice but to watch it because I have nothing to do with him. While watching their movie, I realised a lot of things. Sabi kasi ng iba, sumisikat lang ang mga art

