I’m on my way home. Nagyayaya pa sina Kurt kanina na kumain sa labas kaso masyado na ‘kong pagod para pagbigyan pa sila. Kulang na kulang pa ako sa tulog. Nung gabing sinabi sa’kin ni Noe na nahanap na n’ya si Papa, nagkaroon ulit ako ng pag-asa. Matagal ko na s’yang gustong hanapin pero puro kasinungalingan ang mga sinasabi sa’kin ni Mom kaya nawalan ako ng pag-asa. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na kung ipapahanap ko s’ya, patuloy akong aasa na buhay pa s’ya. So I stopped. Palagi ko rin itinatatak sa isip ko na, baka kaya hindi ko mahanap kasi ayaw magpahanap? Baka kaya hindi ko makita kasi nagtatago? At saka, bakit ko hahanapin ang isang tao na iniwan ang pamilya n’ya para sa ibang babae? But now that my boyfriend found him, I don’t know if I’m still angry. Parang ang malinaw l

