Loving Noe is the hardest thing I've done in my life but that's the thing I will never stop doing. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naranasan ang ganitong pagmamahal. Kaya't kahit na anong mangyari ay hinding-hindi ko hahayaan na mawala sa'kin si Noe. Kaya kong iwan lahat para sa kanya. Pinaranas n'ya sa'kin yung mga bagay na akala ko'y hindi ko mararanasan pa. Ginawa niyang posible ang mga bagay na akala ko'y imposible. Artista ako kaya't may mga bagay akong hindi maaaring gawin dahil sa mga taong nagmamahal sa'kin pero pinaranas pa rin sa'kin ni Noe ang mga bagay na 'yun ng hindi inilalabas sa publiko. Dahan-dahan akong bumitaw sa kanyang mga kamay nang makarating kami sa tapat ng bahay. Hindi ako masaya sa tuwing naghihiwalay kami dahil kapag umuuwi ako, pagpapanggap na naman ang g

