“Wake up, Jia!” Malakas ang boses na iyon, kaya naman napabalikwas siya mula sa pagkakahiga sa kung saan lalo pa at may tumama na kung ano sa noo niya. “Putragis! Nasaan ako?!” Tumayo siya at inilibot ang paningin sa kinaroroonan niya. “Saan naman ito? Bwisit! Ano ang ginagawa ko rito?!” Hinanap ng mga mata niya ang isang taong alam niyang huli niyang kasama, si Allen. But the bastard was nowhere to be found. At ang tanging nasa paligid niya ay ang kotse nito. Kinapa niya ang baril niya sa likuran, pero wala iyon doon kaya naman naglakad siya papunta sa sasakyan at binuksan ang pinto noon. Nang wala siyang makitang baril, o kahit na anong panangga ay kinuha niya ang cell phone sa bulsa. Jia was about to call her friend, Choi, but she remembers what the Chief Gary’s daughter told her.

